LNCrawler

Kabanata 11

Enemy'S Property | Es:2 — www.wattpad.com · All chapters

Kabanata 11

Hectic week, drained and beyond exhausted... needs some rest. For those who are feeling the same, laban lang! And hope this update will make your day a bit brighter somehow. ❤️

You may comment down your thoughts about this chapter or the story. Happy reading, enjoy!

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 11
''Help''

''Anya,'' tawag ni Rona.

Naingat ko ang tingin. Medyo nakita ko ang pag-aalinlangan niyang lumapit pero ngumiti pa din.

''Maayos na ba pakiramdam mo? Makakasama ka na kaya mamaya?''

Sasagot sana ako sa una niyang tanong pero nagtaka ako sa pangalawa, kaya iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.

''Huh? Saan?''

She chuckled awkwardly. ''Ano... araw-araw kami kina Lukas, tuwing uwian, dahil tinatapos na rin iyong mga gagawin. Pero naiintindihan naman namin, at sanabi din ni Lukas na hayaan ka lang muna dahil nga absent ka ng ilang araw.''

Nanlaki ang mga mata ko at medyo nahiya. Araw-araw sila sa paggawa pero wala ako... and it's already Friday.

''Sorry! Sorry...'' I mumbled repeatedly.

''Naku, huy, okay lang!''

''Hindi, kakausapin ko si Lukas.''

Tumango lamang siya at ngumiti. Pagkatapos ay bumalik rin sa upuan. Ilang sandali rin ay dumating na si Lukas at Terrence. They both smiled at me instantly. At naupo rin agad. Lukas sat beside me.

''Lukas, hindi mo nasabi sa'kin na ginagawa niyo pala iyong group work... sorry, gagawin ko ang mga hindi ko nagawa...''

''Okay lang, Anya. It's understandable. You don't have to worry about anything.''

I bit my lip, still feeling a bit guilty. ''Sa bahay niyo ulit ba... mamaya?''

''Yeah, but you don't have to come.''

''H-hindi.'' agap ko. ''Sasama ako...''

He eyed me intently. ''Are you sure?''

I shifted on my seat, tapping my desk. I glanced at Lukas, who still didn't leave his eyes at me. The way he stares at me intently, as if he's searching for my deepest secrets, reminded me of someone... his brother to be exact.

Huminga ako nang malalim kahit medyo kinabahan. ''Uh, sino ang mga nasa inyo ngayon?''

''Bukod sa mga kasambahay at tauhan, kami lang ni Lola.'' aniya, nanatili ang titig. ''Nandito si Kuya noong Sabado pa, pero lumuwas din ng Maynila kahapon. Kapag ganon ay sa susunod na linggo na siya uuwi ulit.''

I sighed in relief and eventually nodded.

''Sige, sasama ako mamaya. Magpapaalam lang ako sa'min.''

Pagtapos nga ng klase namin sa hapon ay tumungo na kami sa kanila. Lukas has a car at nagkasya naman kaming lima. Tumawag na rin ako sa bahay na gagabihin sa pag-uwi dahil may tinatapos na gawain. Tumawag rin ako kay Papa. Nandito pa kasi siya sa Santa Monica, sa hotel lang nananatili.

Wala si Senyora kaya agad din kaming dumiretso sa library nila. We only took a few minutes break before we started to do our work. We all have the list of the things we need to do. At bawat isa sa amin ay may nakaatas rin kung ano ang gagawin para sa grupo. Nakalagay ang bawat papel namin sa corkboard na nasa dingding.

I took mine and scanned them but my eyebrows knotted when I saw that most of the tasks assigned for me have already checked marks. Sa ilan pang gagawin ko, isa na lang ang natira at iyong pinakamadali pa.

''Lukas, bakit may check mark na ang mga ito?'' tanong ko nang lumapit ako sa kanya para iabot ko ang papel. ''Hindi ko pa nagagawa ang mga iyan.''

''Ah, 'yan ba? Tapos na nga 'yan. Huwag kang mag-alala.'' Tila wala lang na sabi niya.

My forehead creased. ''Huh? Paano?''

''Nandito ang Kuya ni Lukas noong mga nakaraang araw, Anya.'' si Terrence. ''Bumisita siya at nagtanong kung may mga maitutulong siya. Nabanggit ni Rona na wala ka, siya ang gumawa ng ibang parte mo.''

Natigilan ako at napatulala lamang sa narinig.

''Hindi lang yun engineer, Anya. Magaling din yun sa business, may MBA iyon, eh!'' ani Rona, na ikinagulat ko. ''Okay diba? Kahit wala ka, halos patapos na rin naman. Mabait naman si Carlos kaya 'di rin siya nagreklamo. Tinulungan niya rin kami sa ibang parte namin.''

''Ang sabi niya ay i-review mo na lang daw at kung may mga mali ay pwede niya naman daw ulitin.''

Terrence handed me a flashdrive. I don't know why I glanced at Lukas. And when he smiled at me, mas lalo akong hindi napakali.

Tinanggap ko na lamang ang flashdrive at sinalpak iyon sa laptop na dala ko. Isang folder lang ang nandoon, pangalan ko ang title, Georgianna Eleanor.

I suddenly remember how he called me by this name... as a devious and cunning De Leon.

I shook the memory off my head. Pinagtuunan ko ng pansin ang file. Pagbukas ko ay lumantad ang iba't-ibang word documents... pati ppt's meron na! Napansin ko ring halos ulit-ulit din ang mga pangalan. I thought it was a duplicate but there's a difference.

Business Proposal
Business Proposal (Notes)

I clicked one and noticed how detailed it was. The original file itself was already detailed, and the notes were like a hand out straight from a lecture of one of our professors! The document was more explained in the note area. Possible questions were also there and an answer was provided as well. May summary rin sa baba na pinasimple ang mga salita at wala masyadong kakaibang terminolohiya.

What are you planning this time, Carlos?

Hinilot ko ang sentido nang sumakit iyon. It's impossible he did this for me, right? I mean, he just threatened me last time... so I'm sure he will never extend help to me! Kung hindi niya ito pinagawa sa iba ay alam kong maaring may mga mali dito. Maybe he's planning something to get back at me... I'm sure of that... maybe by sabotaging my work.

The more than two hours we spent there, I did nothing but review the files. Hindi ko mapigilang hindi mamangha. He's so well versed in these things, seems competent and insightful, too. Parang mas magaling pa siya sa professor namin. I cannot help not to praise him even in my head. He's an engineer... and has an MBA, too. I can't believe it.

Pero kahit ganoon, at kahit na detalyado na, binusisi ko pa rin nang mabuti. I still wrote things on my notebook as I study them, part by part, sentence by sentence. If he has plans, I can't let him mess everything up.

''Anya, napag-usapan namin na bukas ay maghapon sana dito. Sa umaga gagawa at sa hapon ay mamasyal o maliligo sa talon para break naman.'' si Terrence. ''Pwede ka ba maghapon bukas?''

Nawala ang atensyon ko sa sinusulat. When I looked back at them, they were all staring at me, waiting for my response.

Nahiya ako dahil pakiramdam ko kapag hindi ako makakasama ay hindi sila matutuloy.

''Oo. Pwede naman...''

''Are you sure, Anya?'' Lukas asked again to confirm.

I actually want to be with them. I want to spend time with them as I don't really have friends here. But after the last event, and the thought of seeing Carlos, just doesn't sit well to me. Pero nasabi naman ni Lukas na kakauwi lang ng kuya niya at sa susunod na linggo pa darating. Baka masyado lang ako nag-aalala.

Marahan akong tumango. ''Oo, papayagan naman ako basta magpaalam.''

''Alright!'' masiglang sabi ni Rona. ''Bring your most daring bikini, then! Maganda iyong talon sa lupain nila, Anya! First time mong makakapunta doon diba? Naku, kapag nakita mo, hihilingin mong araw-araw na makaligo doon.''

Nagtawanan sila kaya napangiti na lang rin ako.

Alas otso na nang napagpasyahan naming tumigil. Inimbitahan kami ni Lukas para sa hapunan. Tatanggi sana ako dahil sasabay kay Papa pero nagtext siya sa'kin. Ang sabi niya ay paniguradong kakain kami o papakainin ako ng mga kaklase, kaya kumain na lang ako kasama nila.

Napanguso ako habang nagtitipa ng sagot kay Papa.

''Oh my dearest, Georgianna!''

Pagpasok pa lang namin sa dining room ay agad na akong sinalubong nang mainit na yakap ni Senyora. Napangiti agad ako.

''Hello, Senyora! Kumusta po?''

''I should be asking you that, iha! Kumusta ka? I heard you got sick for days. I was hoping to see you every day here but when I learned that, I eventually understood why you weren't able to come.''

I smiled. ''Maayos na po ako.''

''That's good to hear!'' she hugged me again, stroking my hair a bit. ''Although you still look a bit pale but I'm glad you're okay now! Nag-alala ako.''

I pursed my lips. Lukas and Senyora did not even treat me as an enemy here. So far, the Montecarlos I have met are heartwarming people... except for one. Actually he's kind but suddenly changed, and it's somehow my fault. I can't fully blame him for his actions.

Sobrang dami palagi ng pagkain sa pamilyang ito. The long table is always full. Magarbo lagi sila sa mga bisita, kahit sa normal na araw parang laging may piyesta. Lahat mukhang mamahalin pa. Panay ang kwento ni Senyora habang abala kami sa pagkuha ng pagkain.

I was reaching for the spareribs but it's a bit far from me. Napansin iyon ni Terrence kaya siya na ang nag-abot. Siya din ang naglagay sa plato ko.

''Thank you.'' I mumbled silently.

''What about rice, Anya? Plain or the garlic one?''

''Uh, the plain one.'' turo ko na nasa may gawi noya ulit.

He smiled at me. ''Okay, I'll get it for you.''

I heard how Senyora gasped loudly. Napalingon ako sa kanya at sinundan ang kanyang tinitingnan.

I paled and started to get agitated on my seat when I saw who entered the dining room. Agad akong pinagpawisan at hindi alam ang gagawin.

The man in a dark gray suit, without the necktie, and with a few buttons open in his white dress shirt... was none other than Carlos Lorenzo Montecarlo!

''Oh, iho... akala ko sa susunod na linggo ka pa uuwi?''

''May inasikaso lang ako sa Maynila, Lola. Kasama ko na si Heidi pauwi. Pinaakyat ko na at nahilo daw sa byahe.'' aniya sa mababang boses.

I swallowed hard. I didn't know if he saw me, pero dumaan siya sa may likod ko para siguro tumungo kay Senyora. I feel like his mere presence electrified me even though he wasn't touching or looking at me.

My eyes did not leave my plate, afraid to have any eye contact with anyone.

''Anya.'' mas malakas na tawag sa pangalan ko.

''Huh?''

Nilingon ko ang katabi at nakitang sobrang lapit na ni Terrence tila may binubulong sa'kin. Ngumiti siya at agad din lumayo.

''Kanina pa kita tinatawag.''

''S-sorry.''

''Tama na ba itong kanin mo o masyadong marami?'' tanong niya.

My eyes went down again to my plate. Masyado iyong marami pero nahiya na akong ibalik.

''This is fine, Terrence. Thank you.''

''Uy, masyado kayong nagkakalapit ha? Pati sa klase dikit na dikit ka Terrence kay Anya.'' muling tukso ni Rona. ''May gusto ka ba kay Anya?''

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay ramdam ko na ang pag-init ng pisngi o kaya makikipagbiruan din ako. Pero hindi ko magawa. I stayed silent, frigid, and almost unmoving.

Magkaibigan lang kami ni Terrence tulad ng pagiging kaibigan ko sa kanila. Alam iyon ni Terrence dahil sinabi ko iyon sa kanya, na magkaibigan lang kami. Ang sabi lamang niya ay wala akong dapat na ipag-alala. So I did not really mind anything anymore.

Napansin kong magsasalita sana si Terrence, nahinto lamang nang marinig namin ang marahang saway ni Senyora para kay Rona.

''Hay naku, iha. Hindi dapat masyadong nagsasalita kapag kumakain. Paano ka makakanguya nang maayos? Hindi ka niyan mabubusog. Kaya mamaya na kwentuhan.''

''Pasensya na po, Senyora.'' Nakangisi pa rin si Rona sa gawi namin.

''Anya, sige na kumain ka na...'' si Senyora sa mas malambing na boses.

I only glanced at Senyora but instantly averted my eyes when I noticed that Carlos was still standing beside his grandmother. And now, I can feel his stares, burning holes all over me.

Nagsimula na lamang akong kumain kahit kabadong-kabado. Pakiramdam ko hindi ako matutunawan.

''Kumain ka na ba, iho? Sumabay ka na sa'min.''

''Kumain na ako, Lola.''

Nasa kabisera si Senyora. At nasa kaliwa niya ako, habang nasa kabila si Lukas. Kaya kahit hindi ko gustong marinig ang usapan nila ay dinig na dinig ko pa din.

''Ganon ba?'' Tila dismayado si Senyora. ''Pagod ka ba... at magpapahinga na? Baka puwede mong ihatid ang ibang kaklase ng kapatid mo?''

Walang sumagot kahit ilang sandali na ang lumipas.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya inabot ko ang tubig. My hands were trembling though, at dahil punong-puno ang baso ko ay medyo natapon ang kaunti. Nabasa ang kamay ko. I was about to stand and reach for the tissue located at the center of the table, when someone was already beside my chair, reaching for it.

I shivered when my nose got a whiff of the familiar scent of him that lingered around me, as if making his presence known. Aside from that, I feel like couldn't breathe properly anymore with my heart ramming against my ribcage, especially when he not only reached for the tissue for me, but even touched my hand!

I feel like I was in dazed. I sat there like a statue, watching him hold my hand, gently wiping away the water from my palm to the forearm.

Tsaka lamang ako natauhan nang marinig ang boses ni Senyora. Agad kong binawi ang kamay sa kanyang hawak at hinablot ang tissue, na napunit dahil sa marahas kong hila. I heard his heavy sigh, before he finally stepped away from my side.

''Lukas, ipapahatid ko kay Delfin ang iba mong kaklase lalo na ang mamalayo.'' ani Senyora, patuloy lamang sa pagsasalita tila ba walang kaganapan sa harap. I don't know if I should be thankful for that.

''Okay po, La.''

''Ikaw, Anya?''

Halos mapaigtad ako sa kinauupuan. ''P-po?''

''Gusto mo bang ipahatid na lang din kita?'' tanong niya. ''Ihahatid ni Delfin ang iba, pero nandito naman si Carlos para ihatid ka, kung sakali.''

What?!

Agad akong umiling. ''H-hindi na po, Senyora. Susunduin po ako ni Papa.''

''Your father... Luis Fuentes?''

Marahan lamang akong tumango. It seems like the relationship between my mother and father is known to all here. Siguro dahil na rin nga mas pinili ni Mama si Papa kaysa ang pagiging De Leon niya. My mother once told me that Lolo is not in favor of Papa, but she loved him, so she chose him. But now that my mother is back in Santa Monica, people who knew the De Leons and my mother, probably already guessed that my parents decided to separate ways now.

Umalis din si Carlos pagkatapos noon at hindi na nagpakita pa. I finished my meal peacefully this time.

Nang matapos kaming lahat ay nahuli akong lumabas ng dining room dahil uminom pa ng tubig. Nang patungo na sa sala ay nakita ko pa ang pagbaba ni Carlos sa engrandeng hagdanan. Bagong bihis at mukhang bagong ligo. Ginugulo niya ang kanyang buhok tila ba pinapatuyo iyon gamit ang kamay.

My eyes widened when his eyes found me. He saw me! I panicked a bit that's why I hurriedly ran towards the door.

Nandoon na silang lahat sa labas, pati si Senyora. Nakita ko na rin si Papa kaya agad akong kumaway. Magalang lamang akong nagpaalam kay Senyora at sa mga kaibigan bago bumaba sa ilang hakbang ng hagdanan ng bulwagan.

He smiled at me and kissed the side of my head when I was already close.

''Nagpaalam ka na ba?''

''Oo, Papa. Tara na po!'' Aya ko nang may pagmamadali.

''Hi po!'' si Rona na biglang nagpakita sa tabi namin. ''Ako po, Rona, kaibigan at kaklase po ni Anya.''

Mariing napakagat na lamang ako sa labi sa kakulitan ni Rona. Hila-hila pa niya kasi si Terrence, at tinulak nang marahas sa gawi namin! I saw how Terrence blushed when he came face to face with my father. Lumapit na din tuloy si Lukas at Peter.

''Si Terrence nga rin po pala!'' ani Rona.

Napatampal na lamang ako sa noo.

''Mga kaibigan ko, Papa...'' sabi ko at ipinakilala ang bawat isa. ''Uh, si Terrence, Rona, Peter, at si Lukas po.''

''I'm pleased to meet you all.'' ngiti ni Papa, at sumulyap siya sa'kin. ''Medyo mahiyain si Anya kaya natutuwa akong may mga kaibigan na siya dito.''

''Ay, likas po pala iyong pagkamahiyain niya? Akala ko po kasi pabebe lang po talaga minsan si Anya.'' tawa ni Rona.

I glared at her and she even laughed more. Nasasanay na lang din ako sa mga tukso niya.

We eventually bid our goodbye. Kumaway at ngumiti din ako kay Senyora na nasa may itaas. Nawala nga lang ang ngiti ko nang napansing nandoon din si Carlos, nagmamasid.

''Tara na po, Papa.'' aya ko kay Papa at nauna nang pumasok sa sasakyan.

Hinatid ako ni Papa sa bahay ng mga De Leon. But he didn't get out of the car anymore and I understand that. I kissed his cheek instead, uttering a thank you.

''Babyahe na ako pa Maynila bukas nang maaga, Anya. Hindi na ako makakadalaw sa'yo bago bumabyahe. Maayos ka na ba dito?''

''Opo.''

''Tawagan mo ako lagi kapag may problema, hmm?'' aniya at muling hinaplos ang aking buhok.

''Papa, kahit walang problema ay tatawag naman po ako. Eli misses you, too.''

He smiled weakly at the mention of Eli. ''Hug and kiss him for me. I miss him, too.''

I nodded my head. ''Ingat po, Papa. I love you.''

''Mahal na mahal ka din ni Papa, Anya.'' bulong niya at yinakap ako nang mahigpit.

I waved at his car until it exited our gate. Nang lumingon ako sa bahay para makapasok na ay namataan ko si Mama. There was sadness in her eyes as she looked at the driveway.

I went to her and hugged her tight. She did the same.

              
#ENEMYSPROPERTY