Simula
Simula
ENEMY'S PROPERTY
SIMULA
Isang malalim na buntong hininga ang lumabas sa aking bibig habang ang tingin ay nakatuon sa labas ng bintana. Animo'y kisap lamang sa aking mga mata ang mga bahay, kotse, puno, na nadaanan ng sinasakyan naming bus.
Tulad ng aking buhay, ang mga masasaya't malulungkot na araw ay animo'y tinatangay ng malakas na hangin sa sobrang bilis nang paglipas ng panahon. It's like my life has already flashed before my eyes. Hindi ko matandaan kung mas marami ba ang masasayang araw ko kaysa sa malulungkot. Dahil pakiramdam ko unti-unti ang mga araw na nagdaan ay parang isang pangkaraniwan na araw na lamang.
Same routine and happenings everyday. I feel like I'm a machine. Ginagawa ang isang bahay nang walang buhay. Ginagawa ang isang bagay dahil iyon na ang nakagawian. Sumusunod sa lahat. Minsan nakakapanghina na. Pero kahit ganon, hindi naman iyon naging dahilan para sukuan ko ang aking buhay.
Minsan nga lang ay hindi ko maiwasang hindi humiling na sana may magbago. I badly want some changes... but somehow I'm also afraid of what kind of changes that will come into my life. I'm scared too because I don't know if I can or would be able to take it, if one day everything in my life will change.
Pero hindi ko nga lang alam na sa araw palang ito, tuluyang magbabago ang aking buhay.
''Georgianna,''
Isang pisil sa kamay ang nagpabalik sa aking ulirat. Mula sa labas ay bumaling ako sa aking katabi.
Her beauty stands out from the rest despite being stressed for years. Ang mala-nyebe nitong kutis ay hindi nagbago. Kahit may kaedadan na ay mukha pa ring bata. Ang ganda niya'y hindi nga naglaho sa paglipas ng mga taon, pero kitang-kita ko ang sobrang kalungkutan sa kanyang mga mata. Magkamuhang-magkamuha kami kaya mas madalas na napapagkamalan lamang kaming magkapatid.
I smiled to assure her that everything will be fine... kahit ang totoo, ako mismo ay hindi rin sigurado.
''I'm sorry,'' she uttered softly.
Nangilid ang kanyang mga luha at nanginig ang kanyang boses. My heart clenched at the sight of her.
''Tama ang Lolo mo,'' rinig ang pagsisisi sa kanyang boses sa kung anong bagay. ''Kung nakinig ako sa kanya noon pa man, hindi na sana kayo nakaranas ng hirap ni Eli ngayon.''
Marahan kong pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. It saddens me to see my own mother crying. Ang isa sa pinaka-ayoko ay makita siyang umiiyak. Parang nabibiyak ang puso ko. At alam ko, kahit hindi niya sabihin alam kong gabi-gabi siyang umiiyak.
''It's okay, Mama. Naiintindihan ko po.'' bulong ko. Hinaplos ko rin ang ulo ng batang tulog sa kanyang kandungan. ''At alam kong maiintindihan rin ito ni Eli 'pag laki niya.''
''I pray that everything will be alright now.'' ani Mama, na tila ba mas kinukumbinsi ang sarili.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Sana nga. Sana nga maging maayos na ang lahat. Whatever might be happening in our family, I hope that eventually, it will all be alright.
A white SUV waited for us at the bus terminal. Gaya na rin nang sabi ni Mama bago kami umalis ng Maynila ay may susundo sa aming tauhan ng aking Lolo.
I glanced at my mother again as we walked side by side. I'm glad that she had already recovered from crying.
''Ma'am Cattleya!'' sigaw ng isang lalaki.
Pareho kaming napalingon ni Mama sa taong sumigaw. It's a man, who looks like in his late fifties. May malaking ngiti ito sa labi habang kumakaway sa'min. Nilingon ko muli ang aking ina para magtanong. But when I saw the recognition in her face, it already gave me the answer to my question.
''Conrado.''
May isa pang lalaki ang lumabas galing sa sasakyan. Pero hindi kasing edad ni Mang Roberto. Sa mukha, tindig at hubog ng katawan, alam kong kasing edad ko lamang ito.
''Ma'am Cattleya, ito nga pala ang pamangkin kong si Kael.'' Pakilala ni Mang Conrado sa lalaking katabi.
''Magandang umaga po.'' Ngumiti ito kay Mama bago inilipat ang tingin sa'kin. Sandali kaming nagkatitigan bago niya iniwas ang mga mata.
''This is my youngest, Elias Gregory.'' ani Mama pinapakita sa dalawa ang tulog kong kapatid. Pagkatapos ay hinawakan ni Mama ang aking kaliwang balikat para ipakilala rin. ''And this is my eldest, Georgianna Eleanor.''
''Good afternoon po.'' I greeted politely.
''Ang laki mo na miss Miss Georgianna, huling kita ko sayo ang liit-liit mo pa!'' ani Mang Conrado.
My eyes widened at bit at the realization that this man has probably known me way even before. Hindi ko nga lang matandaan ang lalaki sa aking harap. Masyado pa siguro akong bata noon.
''At ganda-ganda niyo na po ngayon. Manang-mana kayo sa iyong ina.'' dagdag niya pa.
I smiled and uttered my gratitude in a small voice.
Sabi nila dapat na daw akong masanay na masabihang maganda. Beacause I was blessed with beauty and enchanting face, that I got from both of my parents' genes and bloodline. I have a deep set of eyes, a tapering chin and a small nose. My skin is as white of snow, but not too pale. Maputi lang na halos laging namumula ang pisngi kapag naarawan ng konti. And my long natural wavy hair falls around my waist area.
My friends often say, I have an innocent face but somehow not friendly looking eyes. Hindi ko nga rin maintindihan pero sabi nila ay matalas daw akong tumingin. Which I think is true, based on the reactions of people who tried to talk to me for the first time after a couple of times trying. I looked kind but was too intimidating to approach, they say. I have already long realized that I got my eyes from the De Leons. Most of them have eyes like this, snobbish and somehow arrogant.
''My daughter might look like she's used to be praised all the time, but she stills blush whenever someone do that, Conrado.'' Tiningnan ako ni Mama bago marahang ngumiti. ''I wonder if she's just being humble or what...''
''Mama...'' I mumbled silently trying to stop my mother from saying more.
Bahagyang natawa si Mang Conrado sa sinabi ni Mama. Nakita ko naman ang multong ngiti sa labi ni Kael. I saw how his eyes moved. Bago pa ito muling bumaling sa'kin ay umiwas na ako.
Tinulungan nila kami sa aming mga gamit para maipasok iyon sa van. Medyo mahaba pa daw ng konti ang byahe. Gusto munang umidlip ni Mama kaya kung pwede daw na ako muna ang kakalong kay Eli. Pumayag naman ako dahil alam kong pagod rin siya.
Habang bumabyahe ay unti-unting nagbabago ang lugar. Kung kanina ay nasa bayan pa kami at marami pang mga gusali, ngayon ang dinadaanan namin ay halos mga puno at malalawak na lupain na lamang.
Napatulala ako sa magandang tanawin. Pati na rin sa mga bahay na nakita. No, they are too big to be a house. Mga mansyon na ata ang mga nakatayo rito. Malalayo ang agwat sa isa't-isa at ang disenyo ay mukhang makaluma at victorian-spanish style pa. The structure of each house shouts power and wealth. Unang tingin mo palang, alam mo nang mayayaman ang mga may-ari.
''Malapit na po tayo, Miss Georgianna.''
Nakasalubong ko ang tingin ni Mang Conrado sa rear view mirror.
Marahan akong ngumiti sa kanya. ''Anya nalang po.''
Anya ang tawag sa'kin ng dati kong malalapit na kaibigan at kaklase noong elementarya pa lang ako. Masyado daw mahaba ang pangalan ko. At nahihirapan silang ibigkas iyon kaya nagsimula silang tawagin akong Anya. Naging palayaw ko na iyon hanggang sa mga nagdaang taon. Everyone got used to it eventually. Even some of my relatives call me Anya. Hindi naman nalalayo sa totoo kong pangalan kaya okay lang. Nasanay na rin ako.
Hindi nagtagal ay pumasok kami sa isang malaking gate. Pumarada ang sasakyan sa tapat mismo ng malaking mansion na aming tutuluyan panandalian man... o hindi.
Gising na si Mama at mas nauna itong bumaba ng sasakyan para tumulong sa ibang gamit. Habang ako, hindi ko magawang bumaba. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba habang iniisip na dito kami titira sa lugar na ito at hindi na sa Maynila.
May takot akong naramdaman. Malakas ang pakiramdam ko na dito sa lugar na ito magbabago na nang tuluyan ang buhay ko. And that thought made my heartbeat raced faster than normal.
''Anya?''
Napasinghap ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto sa aking gilid. Kael's apologetic face was the first thing I saw.
''Ah, pasensya na,'' aniya sa malambot na boses. ''Hindi ko sinasadyang gulatin ka.''
Tumango ako. Nagulat lang naman ako. Hindi naman ako nasaktan kaya walang dapat na ikagalit.
Sinubukan kong lumabas pero medyo nahihirapan ako dahil karga ko pa rin si Eli. Napanguso ako at napatingin kay Kael. Kitang-kita naman sa mukha niya na natatawa siya sa kalagayan ko.
''Tulungan na kita.'' he offered nicely.
''Thank you.''
Eli got startled when I gave him to Kael. We saw how his eyes opened a little bit for a short period of time. Akala ko iiyak ito dahil naistorbo sa pagtulog pero pumikit rin ito pagkatapos.
Eli is a heavy sleeper. At madalas ay umiiyak ito kapag naiistorbo. Si Mama at ako lang ang nakakapagtahan sa kanya kapag sobra ang iyak.
I was about to go out of the car when I suddenly felt dizzy. Muli akong napabalik sa upo at napahawak sa aking sentido. I massaged my head slightly. This is due to exhaustion, I'm sure.
''Okay ka lang?''
Napabaling ako sa lalaki sa aking harap. Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Nagulat lamang ako nang ilahad niya ang isa niyang kamay sa aking harapan. One of is hand is strongly holding Eli, and his other hand is in front of me.
''Hindi na. I can manage myself. Please, hold my brother carefully.'' sabi ko, mas nag-aalala sa aking kapatid Paano kung mahulog siya? Not that I don't trust him... I just want to be extra-careful.
''Pagod ka galing sa byahe kaya sumakit ang ulo mo. Take my hand and let me help you.'' he said while plastering a warm smile across his face.
I looked at his hand. Ito palang ang una naming pag-uusap. I don't remember myself being so friendly with him. I was quiet the whole time. But I was glad that he showed me kindness. I just hope that everyone here is like him. That they have the same friendly attitude, dahil natatakot ako na baka wala akong maging kaibigan dito.
''Thank you again, Kael.''
Inilapat ko ang palad ko sa ibabaw ng kanyang kamay. Once he got hold of my hand, he gripped it gently, guiding me out.
''Georgianna-''
Napalingon kami sa boses. Hindi natuloy ni Mama ang sasabihin nang makita ang posisyon namin ni Kael. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aming mga kamay.
Bahagya kong naitulak si Kael gamit ang aking paa, sa pagkataranta. Hindi ko alam kung napalakas ba ang sipa ko dahil ngumiwi siya pagkatapos. I gave him an apologetic smile.
He didn't say anything. He got what I meant, kaya mabilis rin ang pag-atras niya at pagbitiw sa aking kamay.
I heard my Mother coughing somewhere. Muli kong naibaling ang atensyon sa kanya.
''Mukhang nagkakalapit na kayo ng anak ko, Kael.''
I turned to face my Mother. Kahit anong pilit niyang itago, I can see her grinning secretly. Oh, I know what you're thinking Ma, and it's not what you think it is!
''Tinutulungan ko lang po si Anya, Ma'am Cattleya.'' ani Kael.
''You don't need to be so formal, Kael.'' Ngumiti si Mama bago bumaling sa'kin. ''Ipapasok ko na si Eli sa loob. Wala pa si Papã kaya pwede ka munang gumala sa paligid ng mansyon basta't may kasama.''
I nodded my head obediently.
''Kael, ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Don't let her wander alone. She's not really familiar with this place anymore.''
Kael curtly smiled. ''Makaka-asa po kayo, Ma'am Cattleya.''
Naiwan kaming dalawa ni Kael nang pumasok na si Mama karga si Eli.
Huminga ako nang malalim. Tahimik kong pinagmasdan ang malaking bahay sa aking harap. Napakalaki nito. Walang sinabi sa bahay namin sa Maynila. This is a mansion... not a house. Katulad ng mga nadaanan naming bahay, it somehow had a Roman and Victorian style. The whole structure is magnificently made. Parang bawat detalye ay pinaglaanan ng oras at debosyon.
''Gusto mo na bang magpahinga o maglakad-lakad muna?'' biglang taong ni Kael sa aking gilid. Muntik ko nang makalimutan na hindi pala ako nag-iisa.
''I want to see some places around first.''
Ipinakita sa'kin ni Kael ang mga bagay at lugar na dapat kong malaman dahil may mga pinagbago na raw dito. Masyadong malawak ang lupaing kinalalagyan ng mansyon kaya sinabi kong bukas ko nalang titingnan ang iba. Naintindihan niya naman iyon. At alam niya ring pagod pa ako galing byahe.
''Sa may kanang bahagi at likod ng mansyon ay mas malawak ang lupain ng mga De Leon,'' paliwanag niya. Pagkatapos ay itinuro niya ang kaliwang parte kung saan may mga pananim at mas maraming puno ''Dito sa kaliwa naman ay malimit na lamang. Hanggang doon sa mataas na punong iyon nagtatapos ang lupaing sakop ng mga De Leon.''
Naningkit ang mga mata ko at tinitigan nang mabuti ang sinasabi niyang puno. Agad ko namang nakita dahil yun lang pinakamatangkad at medyo may pagkakaibang puno. Ang sabi niya, maliit na lamang dito... pero ang tinutukoy niyang puno ay sobrang layo pa. How wide is this land, again?
''Who owns the land beyond that tree?'' I asked curiously.
''It's the enemy's property.'' aniya sa mababa at seryosong boses.
Enemy's Property?
My forehead creased. ''What do you mean?''
Ngumiti siya nang makahulugan at may pag-iingat. Mas lalo akong nalito sa kanyang inakto. Is there something I do not know? Or is there something I should know and keep in my mind?
''Ang hacienda na pag-aari ng mga Montecarlo.''
#ENEMY'SPROPERTY