LNCrawler

Kabanata 2

Enemy'S Property | Es:2 — www.wattpad.com · All chapters

Kabanata 2

Hello, hope you are all doing well! Here's another update. You may comment down your thoughts about this chapter or the story. Happy reading, enjoy. ❤️

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 2
''Name''

''Magpapahangin lang ako sa labas.'' Iyon lamang ang nasabi ko kay Jakob bago umalis na rin sa hapagkainan pagkatapos naming kumain.

Muli akong lumabas. Nagpasalamat na lang na hindi sinundan ni Javier o Jakob. They can be very persistent if they want to. I just want to breathe a little while.

Marami akong nakitang tao na abala sa kani-kanilang ginagawa. Hindi nila ako masyadong napansin kaya malaya akong nakapaglakad-lakad. The sky's already getting darker than it already is. Ang hangin ay malamig hudyat na malapit nang umulan. Umambon kanina, madilim ang kalangitan ngayon, kaya sigurado akong uulan mamaya. But I couldn't get myself to stop walking.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang napagtantong halos kalahating oras na akong naglalakad. Natigil lamang nang nasa tapat na ako ng lugar kung saan marami na ang puno. Bumaling ako sa mansyon, nakita kong medyo malayo na ito sa kinalalagyan ko. Kinalaunan ay muli akong tumitig sa kakahuyan sa aking harap. Hindi naman siguro ako maliligaw kapag pumasok ako dito? It looks like it isn't that deep anyway.

Pumasok na ako bago pa makapagdalawang-isip. I want to see more of the things beyond this land.

I was right when I concluded that it isn't a big and deep forest-like place. Hindi naman siya iyong tipo ng kagubatan na masukal at maaring maraming mababangis na hayop. Masyado lang maraming puno. And that alone gives it a relaxing and refreshing vibe. Ang simoy ng hangin at huni ng mga ibon na aking naririnig ay tila nagpakalma rin sa aking sistema. I could even hear the sound of flowing water near the area, which confused me a bit.

I noticed the trail marks on the ground, so I followed it. Para bang marami ang taong madalas na pumupunta dito base na rin sa bakas ng mga paa.

My lips parted in astonishment when I realized where the marks took me. It took me in front of a very beautiful flowing body of water!

Hindi makapaniwala akong lumapit dito. The water is so crystal-like that I could even see my own reflection clearly. Dumungko ako at dinama ang tubig gamit ang kamay. Malamig iyon at napaka-ginhawa sa pakiramdam.

Hinubad ko ang aking suot na sapatos. Itinabi ko iyon sa punong malapit lamang. Lumapit akong muli sa tubig at binabad ko ang aking mga paa. Napangiti ako nang maramdaman ang lamig ng tubig. The maroon rompers I'm wearing fall to my upper thigh, kaya sigurado akong 'di mababasa ang damit ko.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, to survey the place. Sa kabilang dako ay maraming iba't-ibang uri ng bulaklak ang nakatanim. Mas lalo akong namagha. This place is beyond beautiful! Is this still part of the De Leon's land? Kung dala ko lang sana ang camera ko ay puno na iyon ng larawan nitong lugar. It was a peaceful moment.

Only that, my little happiness immediately faded, making my heart raced, when I suddenly heard thumps on the ground. Ang tunog nang papalapit na kabayo, sumabay sa ritmo ng tibok ng puso ko. May rahas at pagmamadali.

Bigla kong naisip si Jakob o si Javier. Javier is the one who likes riding horses. Sinundan niya ba ako? Halos isang oras na rin siguro akong nawawala. Baka nag-aalala na sila sa'kin. I sighed in relief. Thank God, he's here to pick me up because I think it's going to rain heavily. I can feel tiny rain drops against my skin.

Mariin akong napapikit nang humampas ang malakas na ihip ng hangin. Sumabog sa aking mukha ang may kahabaan kong buhok. Akala ko iyon lang ang ipag-aalala ko. Pero napasinghap ako nang maramdamang medyo rumarami na ang patak ng ulan.

The sound of the horse is getting nearer. Hindi ko na masyado iyong pinagtuunan ng pansin. Mas inalala ko na lamang ang dahilan na pwede kong sabihin sa pinsan kung bakit ako nagtagal sa labas. Hindi pa naman mahaba ang pasensya ng lalaking iyon.

''Looks like Little Red Riding Hood got lost again in the forest.''

Halos mapatalon ako sa gulat dahil kasabay ng kulog, isang malalim at matigas na boses ang umalingawngaw sa buong paligid. Nagsiliparan ang mga ibon sa kalangitan. Hindi ko alam kung natakot sila sa kulog o sa boses na parang kulog.

The voice... it was deep, dangerous, and manly. It may sound like Javier's but this one is more firm and baritone. And this one is definitely not familiar!

Kinakabahan akong napalingon sa aking likod. Ganon na lamang ang gulat ko nang makita ang isang matipuno at hindi pamilyar na lalaki sakay ng malaking itim na kabayo.

My eyes widened more when realization hit me. This is definitely not a De Leon!

''Sino ka?''

I blinked, twice.

''Anong pakay mo dito?'' aniya ulit sa marahas na boses.

I blinked, more than thrice.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang kaba. Malakas ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang lalaki na matalim ang titig sa'kin. Nakita ko ang paglandas ng kanyang mata sa aking katawan tila sinusuri ako.

I did the same. My eyes traveled from his face down to his body. Napalunok ako nang makitang wala itong suot na pang-itaas kaya nakita ko nang maigi. The way his body was made, it looks like it was carved into perfection. The chiseled chest, broad and sharp shoulders, and even the most prominent of all, the thing down in his flat stomach, his abs. Hindi ko na iyon binilang dahil masyadong marami.

Him in his horse, half naked and only wearing his jeans and boots. At ako, habang nasa tubig... wala akong ibang naalala kung hindi ang mga tagpo at pangyayari na nababasa ko lamang sa mythology book namin.

He looks like a greek god, literally. While I look like a nymph of the water, scared to be taken away and be brought to Olympus, or worse in the underworld.

''Hindi ka pamilyar. Sabihin mo ang pangalan mo.'' utos niya, his hard deep voice sent shivers to my body.

Kumunot ang noo ko. Who is he? Did I cross to another land?

Hinanap ko ang punong sinabi ni Kael na hangganan ng lupain ng mga De Leon. Nakita ko ang puno kung saan ko itinabi ang sapatos. Tiningala ko iyon at nakitang iyon ang pinakamataas. Malayo na ako doon. Ibig bang sabihin nito... na nasa lupain ako ng mga Montecarlo?!

I cursed mentally. Muli akong napatingin sa lalaki. Malalim ang gitla sa kanyang noo. His lips were pursed into a thin grin line, and his jaw was clenching hard.

Umiwas ako nang hindi makayaan ang titig na iginagawad nito sa'kin. Para bang nanunuot hanggang sa aking balat patungo sa aking kaluluwa.

Mabilis kong nilapitan ang aking sapatos, kinuha iyon at mabilisang sinuot. I bit my lip hard when I saw how my hands were trembling even though I'm pretending so hard to stay calm. Calm your ass, Georgianna Eleanor!

But how could I stay calm knowing I am with a man I didn't know... and with an eighty percent chance that he's a Montecarlo! An enemy!

Narinig ko ang pagbaba niya sa kabayo kaya mas lalo kong minadalian ang pag-aayos. You know the horror and thrill when you're watching a horror movie and you don't know if something will jump out of the screen! Ganon ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa ako natatapos sa pagsisintas nang mapatili dahil sa isang marahas na hila sa aking siko, hinila ako papatayo. I bumped into his hard well-toned chest. Para akong kinuryente nang nagkadikit ang aming mga katawan.

I instantly pushed him away pero hindi man lang siya natinag dahil ako mismo ang napaatras. Mas lalong naging maingay ang tibok ng puso ko. Especially when he pulled me closer, tightening his hold.

''Ano ba?'' It was supposed to be a shout but it turned out so soft, a voice I couldn't even recognize myself!

He gazed down at me dangerously. Nakatungo siya sa'kin dahil sobrang tangkad niya. Hanggang balikat niya lamang ang tuktok ng aking ulo. And his body built, intimidates me.

I gulped nervously. Muli akong nagiwas ng tingin, abot tahip ang kabang nararamdaman.

''You're planning to ran away.'' he said in a low voice, almost a growl.

''I'm planning to go-''

''Sa tingin mo ba makakaalis ka nang hindi mo sa'kin sinasabi ang pangalan mo?'' aniya, may pagbabanta sa boses niya.

''At bakit ko naman iyong gagawin?'' Mapakla akong tumawa kahit hindi na talaga ako mapalagay sa hawak niya. ''Wala akong atraso sayo!''

His eyebrows furrowed more. ''Nasa lupain ka ng mga Montecarlo. Anong pakay mo? Padala ka ba ng mga De Leon? Are you spying on us?''

''Excuse me?'' Ang feeling naman netong lalaking to! Tinuro ko ang puno sa gilid namin. ''As far as I know, hanggang dito sa punong ito ang lupain ng mga De Leon! I did not cross in your land!''

Mas lalong dumilim ang mukha niya sa taas ng aking boses. Umatras siya ng ilang hakbang pero hindi niya pa rin binibitawan ang siko ko. Naguguluhan akong napatitig sa kanya. He smirked. And before I could even realize his move, nahila na niya ako nang mas palapit. Gulat kong nilingon ang puno, lagpas na ako doon!

That means...

''Now, you're in the Montecarlo's land.''

Oh, how I want to swipe that smirk out of his face!

Huminga ako nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? At bakit ba kasi wala man lang kahit anong bakod sa pagitan ng mga lupain? Paano ko malalaman na nasa lugar na pala ako ng kaaway? Akala ko ba may alitan ang dalawang pamilya? I'm expecting a great wall of China between the two lands. Pero... nada!

''Hindi ka ba magsasalita?''

Itiningala ko ang madilim na kalangitan nang unti-unti bumubuhos ang ulan. Mas lalo akong nag-panic. Mapapagalitan ako!

''Bitawan mo ko!'' Pilit kong hinila ang aking kamay. I almost wanted to wince when its grip tightened more. ''Kailangan ko nang makabalik bago pa lumakas ang ulan-''

And as if on cue, bumuhos ang napakalakas na ulan. Mabilis kaming nabasa sa lakas non. I groaned in frustration. Gusto kong mapapadyak sa lupa kung hindi niya lamang ako hawak!

''See?!'' I spat at him.

He looked so calm while I was... oh God, I wanted to punch his face!

Kahit sa lamig ng ulan ay naramdaman ko ang init ng kanyang palad nang dumausdos iyon galing sa siko pababa sa aking kamay. I glared at him at his bold move. But he clasped our hands and he pulled me to a big tree.

Suminghap ako nang isinandal niya ako doon. Ang malapad niyang braso ay isinandal niya rin sa puno, sa ibabaw lamang ng aking ulo.

Hindi ko alam kung pino-protektahan niya ako sa ulan o ano. Pero hindi naman na kami masyadong nauulanan dahil nakasilong na sa malaking puno. Mga patak na lamang ng ulan ang malayang nakakapaglandas sa kanyang katawan. Mula sa buhok, sinundanan ko iyon ng tingin hanggang sa kanyang batak na katawan.

Napailing ako. Hindi ko alam na may biniyayan ang Diyos para maging ganito kakisig na lalaki.

My cousins are overflowing with masculinity, alright. Tipong lalaking-lalaki at hindi lang pa-cool. Kaya maraming nagkakagusto sa kanila. Especially those girls who like mature guys. Those who prefer men over boys. But this man in front of me, intensified it.

''Tell me your name.'' he whispered dangerously.

My eyes went back to his face. Parang nanlambot ang tuhod ko nang makitang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. He's already handsome from afar, indeed. Hindi ko alam na may mas ikaka'gwapo pa pala siya sa malapitan.

Mapupungay ang mga matang malalim ay tumitig siya sa'kin. I did the same, to stare at him. The water keeps on dripping from his hair to his face.

I realized not only his body is perfectly made. Even his face looks so proportional. He has an aristocratic nose, strong jawline na animo'y laging umiigting, kilay na may kakapalan at mukhang palaging salubong. Pati ang mapupula niyang labi ay napakaganda. And with the dark stormy eyes of him, it's enough to make you breathless.

Kakaiba ang mga mata ng lalaking ito. Hindi ito kulay ng kalangitan tuwing mapayapa ang gabi. Pero kulay ito ng madilim na kalangitan tuwing natatakpan ng mga ulap ang araw dahil sa malakas na ulan o paparating na bagyo. He can easily swept off a girl in her feet just with those tantalizing grey eyes of him.

But his aura is telling me that he's the type of person you wouldn't want to meddle with. Dark and menacing. If I would base my judgement on his whole appearance, he's dangerous, rough, hard, and violent. He doesn't look kind, gentle, nor merciful to me.

Para nga talaga siyang bagyo. Malakas, madilim, at kakaiba ang panganib na dala.

''At bakit ko sasabihin sayo?'' matapang kong tanong.

''Do you want me to force you then?''

I looked at him shocked, with my eyes wide and lips apart. And the audacity of this man to chuckle at my reaction!

''Bitiwan mo na ako. I need to go!'' mariin kong sabi. Hawak niya pa rin kasi ako. ''I demand you, let go of me!''

His eyebrow arched. ''Who are you to demand such a thing from me? Remember, you're in my land.''

Ang pagtitimpi ko ay napalitan ng galit. Oh, he thinks he owns the world too, huh? What an arrogant man! What's with these types of men and they think they can rule or dominate the world?

''Are you a Montecarlo?'' I fired back. I have a feeling that he really is. Pero iba pa rin kung manggagaling ito sa kanya. Lalo na't sinabi niya na nasa lupain niya ako.

Hindi nakalampas sa aking tingin ang pagtataka sa kanyang mga mata.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi niya siguro inaasahan na hindi ko siya kilala. Why, is he popular here? Son of a governor or such... oh, no, it's my grandfather who is the governor. A very important person then?

His lips parted a bit. Mukhang may sasabihin siya pero 'di niya iyon tinuloy. His jaw clenched. Imbes na sagutin ang tanong ko, sinagot niya iyon ng isa pang tanong.

''Are you a De Leon?''

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng ulan. Nanginig ako sa lamig. Napansin niya ata iyon kaya kinain niya ang distansya sa pagitan naming dalawa. He's not only shielding me from rain, he also wants me to feel his warmth. Kung kanina ay hindi ako makahinga, ngayon ay para na akong malalagutan!

Why is this man so close to me? We have just met!

''Sabihin mo sa'kin,'' he demanded, but with a soft voice. ''Isa ka bang De Leon?''

Katulad nang ginawa niya ay nanatili akong tamihik. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya bakit ko siya sasagutin? Ano kung isa akong De Leon? At ano naman kung hindi?

''Does that even matter?'' I asked still trying to calm myself. ''Can you just let go of me? I'd never set foot on your land! If that's what you're worried about-''

''Just answer me!''

Napapikit ako sa kanyang boses. Bakit ba nagagalit siya? Ganoon nalang ba talaga sila kagalit sa mga De Leon? Pero bakit sa kabila ng galit niya ay namimihigan ko ang takot at pangamba sa kanyang boses, takot na malamang isa nga akong De Leon?

His eyes darkened more when he didn't get any response from me. Kung anong dilim ng kalangitan, ganon rin kadilim ang kanyang abong mga mata.

''What. Is. Your. Name...'' he asked, emphasizing every word with gritted teeth.

I smiled weakly. Only this time I would bend into your liking. Next time, I promise, it's you who'll bend for everything I'll ask of you.

You will bend the knee to a De Leon, Montecarlo.

''Anya... Anya Fuentes.''

   
#EMEMYSPROPERTY