Kabanata 3
Kabanata 3
Happy reading, enjoy! ❤️
+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 3
''Trouble''
Guilt crept inside me when I saw the little commotion happening in front of the mansion. Mukhang lahat ay abala at hindi alam ang gagawin.
Kahit malayo palang ay kita ko na agad ang nag-aalalang mukha ni Mama. Inilibot ko ang paningin, natigilan ako nang makita si Javier na mukhang galit habang may mga kinakausap, katulad ko ay basang basa rin siya.
''Si Miss Anya!''
I stilled when all of them turned their head to my way. Nakita ko kung paano nakahinga nang maluwag si Javier. Nakita ko rin kung paano mas nagumapaw ang pag-aalala ni Mama.
''Georgianna!'' She shouted worriedly. May dala dala siyang isang tuwalya habang tumatakbo palapit sa'kin. ''Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin pinaghahahanap!''
''I- uh...'' Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin. ''I-I was just wandering around. Naabutan na po ako ng ulan-''
''Hindi ba sinabi ko naman sayong wag kang aalis nang hindi kasama si Kael, o kahit isa sa mga pinsan mo sana!'' Naramdaman ko ang pag pulupot ng tuwalya sa aking nanlalamig na katawan. Kasabay nang mahigpit at mainit niyang yakap. ''Nagalala kaming lahat! Akala namin kung napano ka na.''
''I'm sorry, Mama.'' mahina kong bulong.
Lumihis ang tingin ko sa likod ni Mama. Javier's sharp eyes darted at me. He looked mad and worried, too.
''I'm sorry, Javier.''
''Don't worry about it anymore. As long as you're fine.'' Napalabi ako nang haplusin ni Mama ang aking mukha. ''Tinakot mo kaming lahat. Saan ka ba galing?''
Lumingon ako sa lugar na pinanggalingan. Hindi niya ako hinayang umalis hanggat hindi tumitila ang ulan kaya mas lalo akong natagalan sa pag-uwi. Mas lalo rin kaming nabasa ng ulan. Mas lalo akong nilamig at dahil doon mas lalo siyang lumapit, kinakain ang distansya sa pagitan naming dalawa na kulang na lang yakapin ako noon!
''Maligo ka muna para 'di ka magkasakit. Ipapahanda ko na ang pampaligo mo.'' si Mama.
Tumango ako at sumunod na lamang papasok sa bahay. May mga tinawag si Mama at inutusan na agad namang sinunod. I noticed that even inside the mansion, there was somehow a commotion.
''Javier, magpapahinga muna si Georgianna. Maraming salamat sa tulong.''
''No problem, Tita.'' Javier said, before giving me his attention again. ''Don't go wandering alone next time, alright?''
I pursed my lips before nodding again.
Umakyat kami sa magarbong hagdanan at pumasok sa isang kwarto. Una kong napansin ay kung gaano ito kalawak. Pero sa sobrang bilis, hindi ko na masyadong nailibot pa ang tingin dahil hinila na agad ako ni Mama papunta sa banyo. But even the bathroom, the first thing I noticed is how spacious it was. Siguro mas malaki pa ang banyo'ng ito kaysa sa mismong kwarto ko sa Maynila.
''Bumaba ka agad pagkatapos mo.'' ani Mama, pagkatapos nang mahabang sermon at mga bilin niya.
I nodded my head.
Maya-maya ay iniwan rin agad ako. I removed all of my clothes that were drenched in water before finally stepping inside the tub. I sighed in relaxation when I felt its warmth. Nawala ang lamig na naramdaman ko dahil sa tubig ulan.
I played with the bubbles in the tub. Kung wala siguro itong mga bula ay kitang-kita ang hubad kong katawan. But it isn't just warm water and bubbles, may kung ano-ano pa, and I can smell an expensive scent too. I had never experienced a bath like this before. We don't have these things in our home back in Manila. Nakakapanibago.
Ipinikit ko ang mga mata at mas ibinabad ang sarili sa tubig nang makaramdam ng pagod.
I suddenly remember the man in the woods. How he looked, how he held my hand, invaded my little space, made me feel his body heat, how he glared at me dangerously like I am his mortal enemy, and how he made my heart raced intensely.
Who is he? Is he really indeed a Montecarlo? Kaya ba siya galit sa'kin... sa mga de Leon? Galit na galit siya. I can see it and he made me feel it. Was it because of the rivalry between the two clans?
He has been asking my name, like he was confirming something. Like he was scared or bothered to confirm something. And when I said my name, I can vividly remember how he breathed heavily in relief. How his dark stormy eyes softened, how his lips parted, how his body relaxed, and how his grasp in my hand became gentle. Para siyang nakahinga ng maluwag. Para siyang nabunutan ng tinik. At hindi ko alam kung bakit.
Ganon ba ang epekto kapag nalaman niyang hindi isang De Leon ang kanyang kaharap? Bigla siyang magiging maamong pusa pagkatapos maging mabangis na tigre?
Napatiim bagang ako. Paniguradong isa nga siyang Montecarlo, walang duda. Aside from his clear ill feelings for De Leons, it's his whole appearance telling me. Although I've heard of their surname from here and there, I haven't really met the Montecarlos up close, nor do I know any of them personally. Pero sa itsura, tindig, postura, at kahit simpleng damit ang suot, hindi mapagkakailang isa itong lalaking namuhay sa karangyaan. He had an authoritative and dominant aura too. Alam kong hindi siya isang simpleng tao lamang.
A Montecarlo, huh?
I remember telling him my name... Anya Fuentes. Well, technically that is still my name. But... Georgianna Eleanor de Leon-Fuentes.
I let out a deep breath. Wala pa akong isang araw dito, mukhang marami na agad akong nagawang gulo. I should stay away from trouble. Especially to those people who shout trouble, like that man.
Pagkatapos maligo at magbihis ay muli akong bumama. Natagpuan ko si Mama habang kandong si Eli sa malaking sala.
''Mama, si Javier po?'' tanong ko.
''Ang sabi niya ay babyahe na siya pabalik nang Maynila.''
Napatingin ako sa malaking bintana na nasa sala. Bukod sa pag-ulan, madilim na ang kalangitan hudyat na gabi na.
''Gabi na po, umuulan, at naulanan rin si Javier, Mama. Sana po ay pinigilan niyo ang pag-alis.''
''He insisted on leaving. Bibisita na lang daw siya ulit.''
I nodded in understanding. I guess he doesn't really stay here anymore.
Dumiretso ako sa labas lamang ng mansyon. Nakita ko si Kael na naroon rin. Nakasandal sa isang pabilog na poste na nagsisilbing isa sa mga haligi ng malaking bahay.
''Kael.'' I called him.
Hindi siya tumugon sa tawag ko. Mukhang ring malalim ang iniisip. Tumabi ako sa kinatatayuan niya, doon pa lamang siya lumingon, tila naramdaman ang presensya ng isang tao.
I smiled a little.
''Maayos na ba ang pakiramdam mo?'' he asked, his voice was gentle. May pag-aalala rin akong nahihimigan sa kanyang boses. ''Nabasa ka ng ulan kanina.''
''I'm fine,'' sagot ko habang nakatitig sa kanyang mukha. I noticed how angelic he looks. ''Sorry, dahil ata sa'kin kaya medyo nagkagulo dito kanina.''
''Nag-alala lang ang pamilya mo. Lalo na ang Mama mo.'' aniya, biglang iniiwas ang tingin. Hinarap na lamang ang nasa unahan. ''Hindi ko nasunod ang utos niya.''
Siguro tinutukoy niya iyong sinabi ni Mama, na hindi dapat ako umalis kung hindi ko siya kasama. Pero ako naman iyong may kasalanan. Sariling desisyon ko ang lumabas, nang walang kasama, at walang pinagsabihan.
''Sorry, it was my fault-''
''Ang mahalaga ay narito ka na at ligtas.''
Saglit kaming nagkatiningan bago sabay na ibinalingan ang tingin sa malawak na hardin ng mga De Leon. I stretched my arm to feel if it's still raining pero napagtanto kong para akong tanga dahil hindi naman kami abot ng ulan dito.
''Were you also worried?'' I asked after a long stretch of silence.
I saw how he turned his head at my way, in my peripheral vision. He nodded afterwards still looking at me. Umayos siya nang tayo nang ngitian ko siya.
He coughed. ''Hindi lang naman ako... marami kaming nagalala sayo.''
Natatawang napairap ako sa kawalan. Wala pa nga akong sinasabi, halatang defensive na.
''Wag kang mag-alala. Mukhang hindi na ako makakaalis sa susunod kung hindi ka kasama, si Jakob, o si Javier .'' I shrugged my shoulders. ''Speaking of, have you seen Jakob?''
I haven't seen the devil incarcerate around. I already know where my other cousin is. But Jakob, I didn't notice him.
He smiled a bit before he slightly shook his head. ''Kakalabas ko lang kanina. Ang sabi nila ay umalis.''
Tumango ako. Siguro aantayin ko nalang siyang makabalik. Anyway, I don't have a choice but to wait. Ang sabi naman niya ay dito siya natutulog kapag nandito sa Santa Monica.
Nakita ko pa rin sila Mama sa sala nang pumasok na ako. Nilapitan ko ito at bumaba sa lebel ni Eli, ipinatong ang dalawa kong braso sa binti ni Mama bilang suporta.
Pikit ang mga mata ng kapatid ko. Kitang kita tuloy ang mahahaba at maiitim niyang pilik mata. Mapupula ang kanyang pisngi dahil sa kaputiang manama namin sa aming ina. Pati ang cute nitong labi ay mala rosas.
''Eli..'' I kissed him repeatedly in his fluffy cheeks. ''Eliyah...''
Pero hindi man lang ito gumalaw. Kinurot-kurot ko ang medyo may lamang pisngi niya. It was the only time I saw him move a little, pero hindi pa rin nagising. Napangiti ako bago muling pinatakan ng halik ang kanyang malulusog na pisngi.
''Do you think, he'll be a heart breaker once he grows up?'' biglang tanong ni Mama. ''Hay, isipin pa lang na lalaki na si Elias, nalulungkot na ako. I just want him to stay this way.''
I chuckled a little. Pinagmasdan ko nang maigi ang nakakabatang kapatid. Kahit bata pa lang, alam mong magiging gwapo ito pag laki. But I don't think he'll be a heart breaker. He's too innocent to be one.
Huminga ako nang malalim at sinilip ang orasan na nakasabit sa dingding. It's almost ten in the evening. At hanggang ngayon ay masama pa rin ang panahon. Kanina pa natapos ang hapunan, pero wala pa rin Jakob na bumabalik sa mansyon. He's like a mushroom. Even then, pasulpot-sulpot lang talaga.
Tumayo ako sa pagkakahiga at napagpasyahang silipin kung nakauwi na ba. Tulog na siguro si Mama sa oras na 'to kaya sa mga kasambahay nalang ako magtatanong.
Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang hagdan nang marinig ko ang ingay sa isang silid. Lumingon ako doon at nakitang medyo naka-awang ang pinto noon.
''Yan ang palagi kong sinasabi sayo, Cattleya!'' sigaw ng isang matigas na tinig. Kumunot ang noo ko. Pangalan iyon ni Mama. ''Hindi ka mapapakain ng pag-ibig na 'yan!''
Lumapit ako sa may pinto at sinilip ang loob. Umawang ang labi ko nang makita ang aking Lolo. Kanina pa ba siya nakauwi? Wala rin siya sa hapag kaninang hapunan. Ang sabi nila ay gagabihin daw ito ng uwi dahil sa naging problema sa kapitolyo. Mukha itong galit na galit habang naka upo sa isang swivel chair. Nasa isang upuan rin si Mama, bagsak ang mga balikat.
''Matagal na akong tutol diyan sa magaling mong asawa, pero ikaw itong matigas. Sumama ka pa rin sa lalaking iyong kahit walang kasiguraduhan!'' ani Lolo. ''Hiyaan kita dahil iyon ang gusto mo! Dahil sabi mo ay iyon ang magpapasaya sayo. Nag-iisa kitang anak na babae kaya kahit mahirap ay pinaraya kita sa poder ko! Pero hindi para maghirap lamang!''
Kita ko kung paano nagsalubong ang makakapal nitong kilay. Sa paraan nang kanyang pagbigkas sa bawat salita, kinilabutan ako. Bigla ay naramdaman ko na parang gusto ko nalang bumalik sa kwarto.
Matagal ko nang kilala ang Lolo ko. Oo nakakatakot siyang tingnan pero malambing naman siya sa amin. Pero hiindi ko alam na mas nakakatakot palang makita siyang ganito kagalit.
''I-I'm sorry,''
My heart clenched when I heard the trembling voice of my mother, na konti nalang ay bubuhos na ulit ang luha sa kanyang mga mata.
''Hindi palaging puso pinapairal para mabuhay na mundong ito, Cattleya. Alam mo na dapat iyan!''
Naninikip ang dibdib na umalis ako sa lugar na iyon. Alam kong hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila. Kahit gusto ko mang daluhan si Mama, alam kong ayaw niyang makita ko iyon.
I was already back on my bed when I pondered about things.
I saw how my mother's world crumbled because of this so called love. How her heart shattered into a million pieces. Kung paano siya umiyak nang umiyak dahil sa kanyang pagmamahal sa aking ama hanggang sa napuno na siya. My mother couldn't take it anymore. She gave up. She gave my father up. That's the reason why we are here.
I think love is only good if you are loved back. Pero kung ikaw lang ang nagmamahal, ikaw lang ang kawawa. Because they say, true love is already just like a fantasy. Bagay na nasa libro na lamang, sa mga palabas makikita, sa imahinasyon ng mga tao. I think it isn't entirely gone, but it's already rare. Especially in this generation, it's already a rare thing to encounter a true genuine love.
And somehow at this point, I realize that love is such a scary thing. Love may be one of the greatest things in the world, but it's also one of the scariest. You wouldn't know what it will bring you. Because aside from sunshine, rainbows, and roses? There are thunder, storms, and thorns. Aside from great things, it also can be your greatest downfall. It can bring you to your own doom or what.
Even Javier's love for the Sarmiento is somehow scary. I was one of the witnesses on the things he can do for the love of his life.
But I'm not giving up on the thought of it. Every person in the universe deserves it. And I hope and pray, that everyone will be able to find love they truly deserve.
#ENEMYSPROPERTY