Kabanata 4
Kabanata 4
Hello, hope you are all doing well! Here's another update. You may comment down your thoughts about this chapter or the story. Happy reading, enjoy!
Lots of love.❤️
+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 4
''Property''
Days passed by like a wind. It has already been a week or so since we arrived here. I couldn't leave the house. Gusto ko mang lumabas ay hindi ko rin gustong abalahin ang kung sino man. I cannot go out of our premises without someone. Pero unti-unti naman na akong napapagayagan pagkalipas nang ilang araw pa.
Javier isn't here, he is in Manila. But he promised to take me out once he's back. Linggo-linggo nga ata talaga siyang umuuwi para sa distillery.
But since I was so bored, heto at muli akong nasa harap nang napakagandang tanawin na una kong nakita sa lugar na ito. Nagpaalam rin naman ako kay Mama na maglilibot-libot muna sa lupaing ito. I'm still within De Leon's land so she said it's fine.
Looking at the fresh flowing water... it seems like it's calling me. Luminga ako sa paligid at nang makitang walang tao doon bukod sa akin, hinubad ko ang aking pantaas na damit. I was left with my white bikini top and short shorts.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagmadaling lumusong sa tubig. I shivered at the coldness of the water, but it was so relaxing to be bothered about it. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nagbabad doon. Basta alam kong matagal na dahil nakikita na ang ebidensya sa aking mga daliri. My fingers are starting to have wrinkles. But I just can't let myself go out of the water.
I tried to float once again. Ilang beses ko nang ginagawa iyon. I know how to swim... a little bit. Pero hindi pa ako eksperto. Kailangan abot lang ng paa ko ang lupa dahil ilang minuto lang ang tinatagal ko kung nasa malalim akong parte.
Kitang-kita ko ang maaliwalas na kalangitan, ang mga ulap, at mga matatayog na puno. Mataas ang sikat ng araw pero hindi ako masyadong naiinitan. Sumisilip lamang ang liwanang kaya napakagandang tingnan.
My attention got caught by some movements. May mga nagsiliparang ibon sa aking gilid ay napalingon na ako doon. Halos atakihin nga lang sa puso nang makita ang isang pamilyar na tao. His arms were crossed under his chest while he was leaning on a tree. His eyes were intensely staring at me, dark, menacing, and a bit brooding.
Umawang ang labi ko sa gulat at pagkalito. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya doon bago muling bumalik sa aking mga mata. I saw how he bit his lower lip a bit before he gave me a smirk.
My chest heaved. Agad akong bumagsak sa tubig, para maharap siya nang maayos.
''W-what are you doing here?''
This is the man I saw last time. The arrogant Montecarlo. Siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang mapanganib niya palang na tingin, alam ko nang siya iyon.
Bakit siya nandito? Kanina pa ba siya o halos ngayon lang din? Ni hindi ko siya napansin. Was he looking at me the whole time while I was on the water? I doubt that though. At kung tinitingnan niya man ako ay paniguradong dahil alam niyang kaaway ako.
''Looking over at my property.'' he answered cockily. ''Am I not allowed?''
Ngumiwi ako. Still arrogant, as arrogant as the first time I met him. Anong akala niya sa'kin magnanakaw? At ano naman ang pwede kong kunin sa lupain nila? Lupa, tubig, bato, o halaman? Jesus!
''Hindi ko naman kukunin ang pag-aari niyo... mo.'' I tilted my head to the side, rolling my eyes. ''So you don't have to guard over your precious property.''
Nagpasya na akong aahon na mula sa tubig nang makita ang paglapit niya kung na saan ako. My insides are already panicking but I tried my best to remain calm, kahit sa panlabas lang.
Huminga ako nang malalim at pinasadahan ng mga darili ang aking buhok.
''Eyes up here!'' sipat ko. Lalo na nang makita ko ang paglandas ng kayang delikadong tingin sa aking buong katawan. It abruptly went down from my neck to my feet, before settling to my eyes again.
''I didn't say anything like that.'' sagot niya sa una kong sinabi, na tila walang nangyaring paninitig sa aking katawan.
He extended his hand, offering help for me to get out of the water. Pero bago pa ako makapagdesisyon kung kukunin o hindi, nakaahon na ako.
He frowned at me. Umayos siya nang tayo, ang dalawang kamay ay isunuot na lamang sa kanyang mga bulsa. Wearing dark jeans and a white shirt, he looked at me tilting his head to the side, watching me with a bit of anger.
''Your eyes say everything.''
''Hm, is that so? What did my eyes tell you?''
Napatitig ako sa kanya. His eyes were gleaming of something. Nanunuya at nagaalab sa hindi ko malamang dahilan. He looks so amused and burning with fire at the same time. Ano bang dapat kong sabihin na pinapahiwatig nito? Sabihin ko ba dapat kung ano talaga ang pinapahiwatig ng kanyang mga mata sa'kin?
Of course... not!
''That you want to throw me out here, just like the last time?'' I shrugged my shoulders walking past him.
Isang hawak sa aking siko at marahan niya na akong nahila papalapit. Suminghap ako nang tumama ako sa kanyang matigas na dibdib. Hindi naman malakas pero nabigla pa rin ako.
My palms rested on his chiseled chest. Bumaba ang tingin niya doon kaya mabilis ko iyong inalis na tila ba napaso. Nakita ko ang marahan niyang pagnguso dahil sa ginawa ko.
Oh, wow, this scene looks so familiar. Parang ganito rin iyong nangyari noong una namin pagkikita, ah?
''I did not throw you out. I pulled you in, have you forgotten?''
I snorted. ''And interrogated me like I'm sort of a criminal for trespassing?''
Lumamlam ang kanyang mga mata. He opened his mouth to say something, but closed it again like he's out of words. He eventually sighed.
''I'm sorry about that.'' marahan niyang bulong, halos namamaos na ang boses.
Malamig na tingin ang ginawad ko dito. Tumango ako bago marahas na hinila pabalik ang aking kamay. Naglakad ako papunta kung saan ko inilagay ang aking damit at ibang gamit.
Aalis na ako. I can't stand him... I can't stand everything about him.
Wala naman na siyang ginawa pa kung hindi ang tingnan ako. Mabuti, dahil kung hihiahin niya ulit ako kung saan, baka kung ano na ang magawa ko sa kanya. I threw deathly glares at him which he only returned with a slight smile.
''Aalis na ako.''
''Are you coming back?''
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong niya. When I turned my head to look at him, I saw how heavy his eyes were while staring back at me. His arms crossed against his chest while he was leaning in one of the trees, again.
''Why do you care?'' I attacked.
He shrugged. ''I just want to know.''
''Oh,'' I rolled my eyes in pure annoyance when I realized something. ''Should I give you my schedule now? Bakit babantayan mo na naman itong lupain niyo? Dapat nandito ka rin pag may ibang tao? You're way too territorial!''
Nagsalubong ang mga kilay niya, mukhang may hindi ako sinabing kaaya-aya sa kanyang pandinig. He straightened his posture. Inalis niya rin ang pagkaka-exis ng kamay at unti-unti siyang muling lumapit. Napaatras ako kahit malayo pa naman siya ng ilang metro.
''Do you find me territorial, Anya?''
How his low voice uttered my name sent dangerous tingles in my nerves. My mind is suddenly telling me to run for my life.
''I'm just saying that...'' I bit my lip nervously. ''I mean, The De Leons are not even doing things like this! But here you are, konting tapak lang sa lupain niyo... it's like I've already committed a grave sin.''
Mas lalong nangunot ang noo niya.
''I'm not saying you're not free to roam around our land.'' he said, titling his head. ''If you want, I could even invite you to our house. Just tell me, and I could guide you around.''
Umirap ako. ''Thank you, but no thanks.''
Hanggang sa makauwi ako ay hindi ako makapaniwala.
Ang lakas ng loob ng lalaking iyon! Akala niya kung sino siya. He's just a Montecarlo! Pangalan lamang ng kanyang angkan ang dala niya! For sure, he was born with a golden spoon, silver platter in front of him, and was showered with their richness. Kaya ganon siya umakto na akala niya, sa kanya ang buong mundo!
''Georgianna?''
Mula sa pagkain ay naingat ko ang tingin. I saw my mother looking so worried. Sumulyap rin ako sa mga taong kasama ko sa hapunan. Napaayos ako ng upo nang makita ang titig nila.
''Po?''
''Are you alright?'' malambot niyang tanong. ''Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo.''
Hindi ko namalayang. I was too preoccupied by something else that the food in front of me didn't do any magic.
''A-ayos lang po.''
Tumango si Mama at ngumiti nang tuluyan ko nang pinilit ang sarili ko sa pagkain. Pagkatapos kumain ay agad na akong pumanhik papunta sa aking kwarto. Nang mapag-isa ay tsaka ko muling naalala ang mga nangyari kanina.
Pinilig ko ang aking ulo, hindi makapaniwalang na masyado ko itong iniisip ngayon. Iwinaksi na lamang ang mga iyon, natulog, at nagpatuloy sa buhay sa mga sumunod na araw.
Isang araw ay nagising na lamang ako sa tatlong marahang katok sa pinto ng aking kwarto. Kasabay nang aking pag-upo sa kama ay ang pagbukas ng pintuan. Inuluwa noon si Javier. Kinusot ko pa ang mga mata, checking if there's morning glory or something.
He's wearing simple clothes, a shirt and faded jeans. He reeked of the after shave scent. Mukhang bagong ligo siya dahil basa pa ang kanyang buhok. Nahiya tuloy ako dahil kahit hilamos ay hindi ko pa nagagawa.
''Mornin.'' he greeted shortly.
I smiled. ''Good Morning!''
Pinagmasdan ko siya nang dumireto siya sa malaking bintana at hinawi ang mga kurtina noon. Nasilaw ako. Not sure if it's because of the light or because of him. The light reflected on his tan skin. Katulad ng Montecarlo'ng iyon, Javier looked like he came out in a mythology book.
''Ah, a greek god visited me early in the morning. A peasant like me should be ashamed.''
Ngumisi siya sa sinabi ko. Naglakad papalapit at naupo sa gilid ng aking kama. Marahang niyang ginulo ang aking dati nang magulong buhok.
''Nangako akong ipapasyal kita diba?''
Tumango ako at nabuhayan. Ipapasyal niya na ako! Ilang linggo ko na itong hinihintay. Gusto ko nang mamasyal at malaman ang mga lugar dito sa Santa Monica.
''Maligo ka na at bumaba. Sabay na tayong kumain ng almusal, hihintayin kita.''
''Wala kang gagawin ngayon?''
He shook his head. Mas lumapad ang ngiti ko at nagmadaling tumakbo papunta sa banyo. Kalahating oras ang tinagal ko doon bago nakababa sa unang palapag.
Binati ko ang lahat ng nasa hapag. Akala ko ay kami na lang ni Javier ang hindi kumakain pero mukhang pati sina Mama ay hinintay ako. I kissed my mother's cheek, eh greeted me back, habang si Eli ay busy na sa kanyang pagkain. When he's already in front of food, mahirap nang makuha ang atensyon niya. Hindi na lumingon kahit noong pinanggigilan ko ang pisngi.
''Good Morning, Kael.'' bati ko nang makasalubong rin ito.
Mahinto siya sa paglakad at mukhang nagulat. Hindi ko alam kung saan siya galing pero mukhang papaalis na siya ng dining area.
''Good Morning...''
''Kumain ka na? Have breakfast with us.'' I offered.
Sumulyap siya sa taong nasa kabisera kaya napasulyap rin ako. I found Javier with one of his eyebrows raised. Nakatingin ito sa aming dalawa ni Kael, ang siko niya'y nakatukod sa lamesa habang pinaglalaruan ang kanyang pang-ibabang labi.
''Tapos na ako, Miss Anya.'' he said, smiling. ''Pero salamat.''
Tumango ako at naupo nalang sa kanang upuan ni Javier. Mabilis rin nawala si Kael sa paningin namin. Baka hindi lang siya sanay kumain kasama si Javier. Javier can really be intimidating sometimes. Kahit ako rin ata ay ganon ang magiging reaksyon kung hindi ko lang ito kakilala.
''Aalis kayo?'' tanong ni Mama.
Naibaba ko ang pagkaing aking kinukuha para masagot nang maayos si Mama. Kinuha naman iyon ni Javier at siya ang nagpatuloy sa paglagay ng pagkain sa pinggan ko. I thanked him before averting my eyes.
''Opo, Mama. Mamamasyal kami gusto mong sumama?''
Umiling siya. ''Hindi na. Dito nalang kami ni Eli sa bahay.'' aniya. '"Saan kayo Javier?''
''Sa bayan muna siguro ngayong umaga, Tita. Mamayang hapon mangangabayo kami kapag hindi na masyadong mainit.''
Mangangabayo kami! I know how to ride a horse. Javier taught me when I was a teenager. Mahilig kasi siyang mangabayo at sinasama niya ako lagi.
Yun nga ang nangyari sa buong umaga ko. Naglibot kami sa buong bayan. Marami rin naman ang naglalakihang mga establishimento, pero hindi nga lang kasing rami at laki tulad ng sa Maynila. Iba pa rin ang Maynila pero masasabi kong mas mapayapa rito kumpara sa magulong syudad na iyon.
''Sir Javier!''
Pareho kaming napalingon sa may isang katandaang lalaki. Javier nodded at the man. Nilapitan niya ito at kinausap ng konti. Nakasunod lamang ako sa kanya.
Maraming nakakakilala kay Javier. Kanina pa maraming bumabati sa kanya. Pero dito sa may malaking palengke at maliliit na tindahan ay mas marami. Mukhang sikat siya sa bayang ito dahil kanina pa kami pinagtitinginan. Sabagay, papaanong hindi? Ang gobernador ay isang De Leon.
Habang naglalakad kami ay mas lalong kaming pinagmamasdan. Nagtatagal ang tingin nila sa'kin, nanunuri at nagtataka, pero kalaunan ay nginingitian naman nila ako. I would smile back. Siguro nagtataka lang dahil ngayon lang nila ako nakita.
Tumigil kaming muli ni Javier dahil may kumausap sa kanya. I let my eyes roam around the place while he was busy. Sa lugar kung saan nakahilera ang mga tindahan ng bulaklak ay hindi sinasadyang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki. I even had to look twice, sinisugrado kung tama ba ang nakikita ko.
''Montecarlo?'' I mumbled to myself looking carefully at the man across the street.
He was wearing a sleeveless white tee, which caused a little ruckus from the girls who were seriously gawking at him like he is a very delicious meal, dahil kitang-kita ang matitipunong braso niya. With hugging blue jeans, boots, and sparkling sweat. Hindi na rin ako magtataka na ganon ang reaksyon nila. He looked like a rich haciendero that could make you the queen of his land... or a willing mistress.
Napangisi ako. Hindi nga ba?
He was standing beside a pick up, with furrowed eyebrows and his eyes squinting a bit because of the direct sunlight. Abala siya sa mga bulaklak na ibinababa, pero nang mapatingin sa gawi ko ay agaran ang paghinto niya sa kanyang ginagawa.
He probably recognized me too. Dahil ngayon ay nakatitig na siya pabalik sa'kin. Kahit nasa kabilang kalsada at ilang mga sasakyan ang dumadaan sa pagitan namin, tila hindi alintana sa kanya. Because he has been staring at me for like minutes straight, without a snap, until he let out a small smile.
Napakurap ako. Agad akong nag-iwas ng tingin. I fakely coughed while crossing my arms under my chest. Nang sinulyapan ko siya ay nakangisi na ang loko.
I scowled. Natalo ako!
''You okay?''
Napatingin ako sa aking gilid at nakita si Javier na mukhang nakabalik na at tapos na sa pakikipag-usap kung kanino. He looked at me but he glanced somewhere. Pakiramdam ko pinagpawisan ako bigla kahit hindi naman dapat.
''Uhm, yes.''
''You're sweating a lot.'' puna niya.
''T-talaga?'' Bago ko pa man mapunasan ang sarili ay dumampi na ang isang malambot panyo sa aking noo pababa sa gilid ng aking mukha.
Javier was too serious while wiping the sweat from my face, but I noticed how his brooding eyes glanced a few times at a certain place. Hindi ako bumaling kung saan siya nakatingin, afraid to confirm that he's looking at a certain someone I am familiar with.
Nakahinga ako nang maluwag nang may isang matandang babae ang may inabot kay Javier. When his attention got distracted, I was able to avert my eyes this time.
Sa malayo ay muli kong nahagip ng tingin ng lalaking Montecarlo. Ang kaninang mapanuyang ngiti ay nawala. There's no hint of any humor in his face, left was a deep scowl and dangerous look. Kahit may dalawang babaeng lumapit at pinilit na kausapin siya, hindi niya pinagbigyan dahil nakatuon ang mata niya sa'kin... sa'min. Nagpalit-palit ang tingin niya sa amin ni Javier, like a complex puzzle he was trying to solve.
Sa gilid nang mata ko ay nakita ko na ang pagbalik ng tingin sa'kin ni Javier. I was fast enough to compose myself, face him, and smile at him innocently.
''What's with that asshole...'' Javier murmured to himself, almost inaudible.
''Huh? May sinasabi ka, Javier?''
He shook his head. He wrapped his one arm around my shoulder, pulling me closer to him. Ginulo niya pa ang buhok ko, pero inayos-ayos din. Kahit gusto kong umiwas dahil sa ginawa niya sa buhok ko, hindi ko magawa. Masyadong mahigpit ang pagkaka-akbay niya sa'kin, parang may pinapahiwatig.
''Uwi na tayo,'' aniya habang nakataas ang isang kilay. ''Amoy araw ka na.''
''Sama!'' I elbowed him lightly which he only responded with a chuckle.
I took one last glance at Montecarlo... but he wasn't looking anymore.
#ENEMYSPROPERTY