LNCrawler

CHAPTER 10

The War Between A Husband And Wife — www.wattpad.com · All chapters

CHAPTER 10





Ilang Araw ang lumipas na hindi na kami nag aaway ni Spencer tulad ng dati na kulang nalang ay mag patayan. But he still a little bit so distant from me. Which I understand. Pero alam ko kahit konti ay may nag bago rito. He might not show it but his worried for me. And it makes me happy knowing about that.

Habang nakatingin sa mga nadadaanang gusali ay inalala ko ang info na nakalagay sa folder na ibinigay ni Papa kay Spencer nung isang gabi. Medyo nagulat pako dahil biglaan ang pag punta nito sa bahay at gabing gabi na iyun. Hindi naman nagulat si Spencer nun dahil mukhang inaasahan niya na iyun.

Papa was so sorry about what happened to me. And I tell him that it was okay. It's part of the mission after all.

Hindi palagi ligtas ka at madali lahat. Nalalagay minsan ang buhay namin sa piligro at hindi na bago iyun.

Papa give Spencer a mission. I admit that I don't like it. My Husband's target for his mission is kinda difficult. Actually kay Spencer lang ang mission na ito. I just tag along. Masama bang samahan ko ang asawa ko? He actually don't want me to go with him but can he stop Xeiara Ferrer? Masiyadong matigas ang ulo ko para sundin si Spencer at hayaan siyang mag isa sa misiyon niya.

Mahirap na. Nalaman kung maraming babae sa lugar na iyun at kailangan kung bantayan ang asawa ko. Malilikot panaman ata mga kamay ng mga babaeng naruon.

It's been years since the last time that we got a mission. Me and him as partners.

Ibinigay ni Papa yung folder sa bahay habang andun kami ni Spencer kumakain. I'm actually excited because I'm with Spencer.

Itinigil nito ang sasakyan sa madilim na parte ng eskinita. Gabi na masiyado at sa mga ganitong lugar ay mas delikado. Sabay kaming pumasok ni Spencer sa isang lumang gusali at pumasok sa isang sirang building.

Mahirap makapasok rito at dahil sa koneksyon at tulong nadin ng mga magulang ni Spencer ay madali lang kaming nakapasok. Hinarangan pa kami ng isang malaking mama at madaming tattoo pero ng may ipinakita sakanya si Spencer na maliit na papel ay ngumiti ito sa amin ng pagkalaki laki at agad kaming pinapasok.

Kung sa labas ng gusaling ito ay walang katao tao at iisiping abandunado ang lugar pero iba sa loob ng tuluyan kaming makapasok . Masiyado akong na lula habang nakatingin sa loob ng gusaling iyun. Inilibot ko ang tingin sa paligid at subrang dami ng taong narito. Damn! This place is illegal! It's so huge!

Malakas at nakaka binging sigawan ang naririnig ng tuluyan na kaming makapasok ni Spencer.

Subrang laki ng hall at sa gitna nito ay may malaking Stage kung saan sa loob nun ay may nag lalaban. They're killing each other and I don't like what I see.

Hindi sila makakalabas sa loob dahil may bakal na nakapalibot rito at makakalabas ka lang pag natalo mo ang kalaban. Yun ang isa sa mga info na nabasa ko sa folder habang nakatingin sa ring na nasa harap ko.

Napatingin naman ako kay Spencer na subrang seryuso habang tumitingin sa paligid. So I look the surroundings again when I saw something.

"Sa pintong iyun" Sabay nguso ko sa gilid kung nasaan yung pintong tinutukoy ko. Napatingin duon si Spencer pero wala pading reaksiyon ang mukha niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

Hindi pa ako nasanay. Ibinalik ko ang tingin sa pintong iyun at mahinang nag salita at sakto lang para marinig niya.

"I guess his on that door. Pero may mga bantay sa labas" Ani ko.

Tumango ito sa akin at nag simula nanaman kaming mag lakad papalapit sa ring.

Puro daing at Sigaw ang naririnig ko sa loob ng ring at minsan ay napapangiwi ako. Bigla akong naawa sa lalakeng mukhang hindi na humihinga sa sahig at puno ng dugo at sugat sa katawan. That's monstrous! How can they do this?

"HAHAHA!" Tawa ng isang lalake na malaki ang katawan na siyang nanalo. Nakataas ang dalawang kamay nito habang palakad lakad sa loob at agad namang nag sigawan ang mga taong nanonood at nag pupustahan pa.

"EMMANUEL!!!!"

"WOAHHHHHHHH!!!"

"EMMANUEL! EMMANUEL! EMMANUEL!!!"

"ANG LAKAS MO TALAGA!!"

They chant his name like his a saint which is not coz his more like a monster.

"He's strong" I said at nilingon si Spencer na nasa lalake din ang tingin. Syempre malakas din asawa ko.

Proud wife here.

Pareho kaming nanonood duon at nag mamasid sa paligid. Hindi kami Pwedeng basta-basta nalang kumilos ng walang plano at baka hindi na kami tuluyang makalabas ng buhay rito.

Puno naman ng sigawan ang paligid at talagang mabibingi ka sa lakas ng mga sigaw ng mga taong manonood.

Masiyadong delikado ang lugar na ito. Umpisa palang bago kami pumasok alam kung delikado na. Sana naman matapos namin ang mission na ito na walang nakukuhang galos pero mukhang imposible yun.

May pumasok sa loob na isang lalake at mukhang siya ang nag sisilbing referee. May pumasok ding dalawang lalake at binuhat nila ang wala nangang buhay na lalake. Napa buntong hininga na lang ako sa nakita.

"Good Evening Everyone!!!"

"WOAAHHHHHHHH!!!!!!!!"

"Talaga namang napakalakas ng ating kanditato at wala pading nakakatalo kay Emmanuel! Hindi ba?!" Sabi ng referee na ang sarap sampalin dahil tila tuwang tuwa pa sa mga taong nawalan ng buhay sa kamay ni emmanuel.

"EMMANUEL!!!"

"WOAHHHHHHHH!!!"

"FUCK ME EMMANUEL!"

"I LOVE YOU!!!"

"EMMANUEL! EMMANUEL! EMMANUEL!!"

"ANG LAKAS MO TALAGA!!"

"ANG GWAPO MO!!"

Napangiwi ako sa ibang sinasabi ng ibang sumisigaw. Fuck me? Baka nga mabali ang kung sino mang hawakan ng Emmanuel na ito sa laki ng katawan niya. Parang hindi tao.

"100k. Sino ang Gustong kumalaban sainyo kay Emmanuel at makakatanggap ng 100k" Malawak ang ngiting sabi ng Referee.

Ngingisi ngisi naman si Emmanuel habang inililibot nito ang tingin sa paligid. Napaka yabang ng dating nito. Halata sa mata ng mga tao ang takot nila sa lalaking ito.

"300k. May gusto bang lumaban?" Sigaw ng Referee mula sa hawak nitong microphone.

Agad namang nag kandarapa ang ibang kalalakehan ng marinig nila ang premyo. 300k? That's cheap.

"I pity them" I said. Hindi naman ako pinansin ni Spencer na nasa harap padin ang tingin.

Napabuntog hininga na lang ako ng may makitang isang lalake na nag lakas loob na kalabanin si Emmanuel sa halagang 300k. Sasayangin niya lang ang buhay niya sa loob ng stage na yan. Dahil alam kung hindi na siya humihinga bago pa siya makalabas diyan.

Gusto ko pang makipag date kay Spencer! Hindi ako satisfied sa date namin nung isang araw.

Bago pa masayang ang oras ko rito ay mag sisimula naku sa misiyon namin. Hindi ako pumunta rito para manood mawalan ng buhay ang mga taong ito sa kamay ng walang pusong si Emamnuel.

Natigil ako sa pag hakbang ng hulihin ni Spencer ang kamay ko. Ayon nanaman yung pakiramdam na para akong nakukuryente pag nag lalapat ang mga balat namin. Ang lakas talaga ng epekto ni Spencer sakin.

Palihim akong ngumiti bago nilingon si Spencer na seryuso ang mukhang nakatingin sa akin. That stare again. That makes my heart beats fast.

"You miss me already? Hindi tayo nito matatapos kung tatayo lang tayo rito pareho. You know that" Ani ko.

Mas hinila pa ako nito papalapit sa kanya kaya malapit na ang mukha namin sa isa't isa. Muntikan ko pa itong mahalikan na sana nga ay nangyari na lang.

Kalmahan mo Xeiara. Pag papakalma ko sa sarili ko. Wala pangang ginagawa si Spencer nag huhumirintado na agad ang puso ko sa kaba.

Hahalikan ba ako nito?

OMG yes please.

"Where are you going?" Bulong ni Spencer.

"Sabihan mo lang kung miss moko. Mananatili naman ako sa tabi mo" Nakangising ani ko rito.

"I'm serious"

Ang gwapo nanga. Mabango pa hininga. Ang swerte ko na talaga.

"Kailangan na natin itong tapusin. Masiyadong delikado ang lugar na pinasukan natin" sabi ko.

"Hindi paman tayo pumapasok. Delikado na" Sabi niya sa akin.

Tulala naman akong napatitig kay Spencer dahil sa narinig. Hindi dahil sa sinabi niya kundi gaano siya ka hot mag salita pag tagalog.

"Nahulog ata panty ko Spencer"

"What?" Salubong ang kilay nitong sabi. Mahina naman akong natawa dahil sa naging reaksiyon nito. Hot naman nito masiyado.

"Biro lang. Alam kung delikado kaya kailangan na natin tong tapusin" Sabi ko.

Napabuntong hininga naman ako. I know. Kailan pa naging safe ang mga mission na ginawa namin? Walang madali at walang hindi mahirap.

"Gagawin ko lang yung part ko. Tulad ng plano natin" Sabi ko kay Spencer at ninamnam ang init na nag mumula sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Aba lulubos lubusin ko na. Minsan lang maging ganito Asawa ko. Kailangan ko pang idaan sa dahas.

"Becareful" sabi ni Spencer.

"Ako pa. Ako ata si Darna"

He looked at me flatly. Ngumiti lang ako rito. Wala talagang sense of humor ang isang ito. Ano kaya ang ipinag lihi ni mama rito at naging ganito si Spencer? Minsan lang patawanin ayaw pang makisama. Pasalamat talaga itong si Spencer at ang gwapo niya.

Pag ganitong kagwapo dapat kinukulong. Masiyadong makasalanan. Dahil sakanya nagiging makasalanan tuloy ako.

Mabait ako dati Eh. Pero dati yun.

Nag karoon lang ng sungay ng makasama ko na si Spencer.

"Will you be okay?" He ask.

"Oo nga okay lang ako. Ako nga si Darna diba? Asan pala yung mahiwagang bato? Hindi ako nito makakapag transform pag wala nun"

"Xeiara be serious"

"Oo na nga" Ngingiting sabi ko.

"Be careful"

"Oo mamimiss din kita"

"Xeiara"

Ngingiting tumango naman ako rito at agad tumalikod. Saka ko na siya haharutin pagkatapos nito.

Hindi padin mawala ang nakakabinging sigaw ng mga tao sa loob ng hall. Sound proof siguro ang building na ito. Kasi nung nasa labas pa kami ni Spencer ay wala naman kaming narinig pero nung tuluyan na kaming makapasok nakakabinging sigaw ang bumungad sa amin.

Our target. He owns this place. I never thought such thing like this place exist. How I love to burn this hall. My eyes sparkle because of that thought.

Patuloy ako sa pag lalakad habang nag mamasid sa paligid. Nilingon ko ang pwesto ni Spencer at hindi ko na siya makita duon dahil sa dami ng tao at medyo madilim ang lugar.

I'll be back Spencer.

Medyo nahihirapan din akong gumalaw dahil sa dami ng tao ay nag sisiksikan din ang mga ito. Kulang nalang mapisa ako sa dagat ng mga tao.

May hindi pa kaaya aya ang amoy. Hindi muna naligo bago pumunta rito. Meron din atang nakalimutan mag lagay ng deodorant.

Pigil ang hiningang sinikap ko ang makalayo sa pwesto ko at nang mag tagumpay ay ibinalik ko ang tingin sa stage at napahawak nalang sa noo ng makitang wala ng Buhay ang kalaban ni Emmanuel. Just for money they will waste their precious lives just for a cheap paper.

Malakas na sigawan nanaman ang narinig ko dahil sa pag kapanalo ni Emmanuel. Walang emosyon naman akong napatingin sa stage kung nasaan nakatayo si Emmanuel at naka taas pa ang kamay at malawak na nakangiti sa mga tao.

I scoff. Sige lang mag saya ka lang diyan Emmnuel dahil yang ngiti sa mukha mo mawawala din yan bago matapos itong gabi.

Agad akong tumalikod at nag masid sa paligid kung may kakaiba. Malakas padin ang sigawan at may nag pupustahan nanaman.

May bago nanamang nag pauto dahil sa malaking pera na ibibigay kung sino ang makakatalo kay Emmanuel.

Nag patuloy ako sa pag lalakad at dahil malayo sa mga tao yung pinto ay hindi nila ako mapapansin dahil lahat sila nakatotok sa laban.

Careless.

Mabilis akong napansin ng dalawang lalaking bantay ng makitang nag lalakad ako papunta sa gawi nila kaya agad nila akong sinalubong.

"Miss bawal ka rito——Ackkkkkk" I fastly catch it's hand and twist it before kicking his knees kaya napaluhod ito. Malakas ko namang siniko ang leeg nito kaya agad itong humandusay sa malamig at maduming sahig. Sumugod naman yung isa pa nitong kasama at nag pakawala ng sunod-sunod na suntok na agad ko namang naiiwasan at nasasalag.

Tumaas ang paa nito para Sipain ako so I use my legs too as my shield. Nabitin sa ere ang pareho naming paa. Before he could move I twist my body and jump before kicking him in the chest na ikinatalsik nito.

Sumugod naman yung lalakeng siniko ko sa leeg at nag pakawala ng malakas na suntok na agad kung naiwasan at hinuli ang braso nito at tinuhod sa tyan at siniko sa likod ng ikinabagsak niya.

'Para sa date' ani ng isip ko.

Akmang tatayo yung isa ng sinipa ko siya sa mukha na ikinahimatay nito.

Yung isa naman na namimilipit pa sa sakit ay hinawakan ko ang ulo nito at tinuhod sa mukha.

"Fuck you!" At malakas itong sinuntok at nawalan ng malay.

Mabilis kung nilingon ang stage at wala manlang nakapansin sa kanila sa bakbakan na nangyari dito. Napailing na lang. Edi mas maganda para mas mabilis akong makakabalik kay Spencer.

Tinakbo ko ang destinsya ng pinto at mabilis ko iyung binuksan at hindi ko maiwasan na mapataas ng kilay ng hindi manlang naka lock iyun.

Nag salubong ang kilay ko. May Mali.

Sinara ko ang pinto at dahan-dahang pumasok. Nilingon ko ang pinto at hindi ko na naririnig ang ingay sa labas.

Kinuha ko ang baril na nakatago sa likod ko at mahigpit itong hinawakan habang papalapit sa isa pang pinto. I twist the door knob and open it. It's not lock either.

Hindi paman ako nakakapasok ng tumilapon ang hawak kung baril ng may sumipa nun na ikinaasik ko.

Napatingin naman ako sa Babaeng may nakakaasar na ngiti sa labi at nakatingin sa akin.

That face.

"Looking for someone?" Maarteng tanong nito sa akin.

Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwartong iyun at wala akong makitang ibang tao maliban sa babaeng malapad ang ngiting naka pameywang sa harap ko.

I don't like her smile honestly. It's piss me off. I smile back at her at tumaas ang kilay nito dahil sa pag ngiti ko. You can't scare me bitch!

Wala rito ang target namin. Natunugan ba kami?

Is this a trap?

Agad pumasok sa isip ko si Spencer. Damn it! I need to go back! Baka anong nangyari na rito! And he needs to know this!

"I know your looking for Manuel" Nakangising sabi niya sa akin. Wala naman akong naging sagot.

Walang emosiyon ang mukhang nakatingin lang ako sakanya habang ito ay kulang nalang mapunit ang bibig nito sa laki ng ngiti niya. May ilalaki pa pala ang ngiti ng isang ito.

"Well?" Nakataas ang kilay na sabi nito. I clicked my tongue and raised my eyebrows as well.

"Ang laki ng bunganga mo"

"Excuse me?" Tila naasar nitong sabi. Ako naman ang ngumisi rito.

"Bingi mo naman. Kala ko ba matalino ka. Hindi lang malaki bunganga mo bingi kadin pala" Nang aasar kung ani rito. Matalim na tingin ang ipinokol nito sa akin.

But I wasn't threaten at all. Her stares are just normal for me.

"Do you wanna Die?" She shouts.

"I'm shaking" I smirk.

"Huh! You look scared" She says.

"Look at me. Do I look scared?" Pareho kaming nag titigan at walang nag iwas ng tingin.

Sumilay ang isang nakakaasar na ngiti sa labi nito. And I admit that it's irritating. But I calm myself and watch her every moves.

"Mukhang hindi mo ata seneryuso ang sinabi ko sayo sa school Xeiara. Nakalimutan mo naba ang Sinabi ko bago tayo mag laro ng Volleyball?" Nakangising sabi ni Stacy.

Yes it's Stacy. So she knew all along about me. I knew it. This woman is dangerous. Naalala ko naman ang Sinabi nito sa akin nung araw nayun.

'Blood will scatter in the middle of the ring with gunshots in her Body'

Her Body. Is she referring to me? Am I the person on the riddle? How about the blood in the ring? Tumingin ako sa paligid. I don't see any ring anywhere.

"What Xeiara? scared? I'm sure your husband is inside in that ring right now. He'll  be dead before you can see him. And you can't leave this place without bullets that's buried in your Body" Nakangising sabi niya. Hindi naman ako nag pakita ng kung ano mang emosyon rito. I would never let this bitch see what she wants.

So she's referring to Spencer. Is he in the stage right now? How? Kinalma ko ang sarili ko. I trust my husband. I know he would never do anything bad happen to him.

Malakas itong tumawa at nakatingin lang ako rito. Ewan ko bat siya natatawa eh wala namang nakakatawa. May saltik din ang isang ito katulad ni Abby. Mag kapatid nga talaga sila.

"Wow. That was a good laugh. Anyways" She said before looking at me and smirk.

"I like your husband. He's Hot. Just looking at him makes me wet" Maarteng sabi niya.

"Hindi siya pumapatol sa aso"

"Excuse me?" Namumula ang mukhang sabi ni Stacy at mukhang naiinis.

"Say Arf Arf instead Bitch"

Para naman itong bulkan at inihanda ko ang sarili ko ng walang kurap na sumugod sa akin si Stacy. Walang pag aalinlangan at lahat bigay todo ang bawat atake niya. Kasabay ng sipa ay malakas na suntok ang pinapakawala niya sa akin.

"I will kill you!" She said with gritted teeth.

Napadaing ako ng malakas ako nitong nasipa sa tagiliran at suntok sa mukha. Nakita ko naman itong ngumisi at agad sumipa ulit at mabilis naman akong umiwas at umatras.

I lick my lips when I taste my own blood. Wrong move Stacy. Wrong move.

Tumakbo ito papalapit sa akin at sunod-sunod na umatake. Walang gustong magpatalo sa aming dalawa.

Tinuhod niya ako at agad kung ginamit ang kamay ko bilang depensa pero tumama padin iyun sa tiyan ko. Mabilis ang galaw niya at malakas akong sinipa sa likod ng ikinabagsak ko sa maduming sahig.

She was about to kick me again ng mahuli ko ang paa niya at malakas itong hinila na ikinabagsak nito sa sahig at mukhang hindi niya iyun inaasahan.

Nag pakawala ako ng suntok sa mukha nito na agad din namang nasalo ni Stacy. Nakita ko naman ang pag lipad ng kamay nito na agad ko din namang naiwasan.

Pareho kaming gumulong gulong sa sahig at nag papalitan ng suntok at sipa. She almost got my hair at balak pa akong sabunutan. Kung tuluyan ko na kayang kalbuhin ang babaeng ito?!

Sinalag ko ang sipa nito na tatama na sana sa mukha ko.

Not my face again you bitch!

Dahil sa pagsipa nito sa mukha ko ay mabilis kung nahuli ang paa niya at inipit sa kamay ko at mahigpit na hinawakan bago ko malakas na binali na ikinasigaw niya.

My eyes sparkle in amusement.

"Ahhh!!! damn you!! Shut!!! fuck you!! You bitch!!" Stacy cursed me nonstop. Napangisi naman ako sa narinig. Parang musika sa pandinig ko ang mga daing niya.

Diko napansin ang pag sipa ng isa nitong paa na agad tumama sa mukha ko na ikinaputok ng labi ko.

"Damn it!" I silently cursed.

Nakawala naman sa hawak ko si Stacy at gumapang naman ito papalayo sakin dahil hindi na ito makatayo dahil sa pagkabali ng paa niya.

Mabilis akong bumangon at nilapitan si Stacy at tinapakan sa likod na ikinasigaw niya sa sakit at mahigpit kung hinawakan ang buhok niya. I like the emotion that flustered on her face right now. So amusing and amazing.

Napapikit naman ito sa sakit sa higpit ng pagkakahawak ko sa buhok niya at talagang masasaktan talaga siya.

"Now cooperate coz it's my turn. Be a good bitch and answer all my question. Nasaan si Manuel?" Seryusong tanong ko sakanya.

Sa lagay nito ay nakuha pa nitong ngumisi sa akin. Lalo akong natuwa dahil sa nakita. So she want the hard way?

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Kahit patayin mo pa ako wala kang makukuha sakin——"

Hindi pa panaman  Natatapos ang sasabihin ni Stacy ng malakas kung hinampas sa sahig ang mukha niya. Sa lakas ng pag kakahampas ko talagang masasaktan ito.

"Arghhhhh fuck! Fuck you! fuck you! fuck you! Ahhhhhh!!!! " Daing nito.

"Gusto mong patayin nalang kita diba? Pag bibigyan kita. Nasaan si Manuel?" Hindi ko pinansin ang pag mumura at daing niya at tinanong ulit ito. Wala akong pake kahit dumudugo na ang mukha niya sa lakas ng pagkakahampas ko sakanya.

"Bitch" Nakuha pa nitong murahin ako. Napabuntomg hininga naman ako at ngumisi rito.

Malakas ko itong sinuntok sa mukha. Napadaing ulit ito at napasuka ng dugo.

Mahigpit ko namang hinawakan ulit ang buhok niya at inangat ang mukha na nakasubsub sa maduming sahig.

"So Stacy. Nasaan si Manuel?" Walang emosiyon ang mukhang tanong ko sa kanya.

"D-d-iko s-sas-sabih-hin" Pag mamatigas niya.

Sa ikalawang beses ay hinampas ko ulit ito sa sahig. At inangat ang Mukha nito duon. Durug ang mukha at ilong at hindi na makikilala dahil naliligo na ito sa sariling dugo.

Umiiyak ito sa sakit at wala akong naramdaman kahit kunting awa mula rito.

"I'll repeat. Nasaan si Manuel?" I ask her again.

Umiiyak na umiiling ito sa akin. Ngumisi ako rito.

"You want the hard way? I give it to you"

Akmang ihahampas ko siya ulit ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan.

"S-sas-sabihin k-ko n-n-na-a" Umiiyak nitong sabi.

Napangisi naman ako sa narinig.

"Good Girl"

Nag salita naman ito at medyo hindi ko maintindihan dahil nahihirapan itong mag salita. She choose this. The hard way. Umiiyak ito habang sinasabi ang lahat sa akin at ewan ko naiirita ako rito imbes na maawa. She's part of the organization who ruled by Manuel.

Isang masamang tao ang lalakeng iyun at kailangan niya ng mamaalam sa mundong ibabaw dahil wala na siyang karapatang mabuhay pa sa dami ng buhay na kinuha niya at mga taong pinaharapan niya.

Patuloy sa pag sasalita si Stacy kahit hirap na hirap siyang ibuka ang bibig niya dahil pati ngipin niya ay natanggal sa lakas ng pag hampas ko rito.

Umiyak ito pagkatapos nitong sabihan sakin lahat ng nalalaman niya.

"Nag sasabi kaba ng totoo?" Walang emosyon ang mukhang tanong ko sakanya.

"A-anduon s-siya..." Sabi niya at may bahid na takot sa boses nito.

"Sigurado ka?" Paninigurado ko.

Sunod-sunod itong tumango habang umiiyak. Hindi uubra sa akin ang pa iyak iyak niya. Mas naiirita ako lalo sakanya.

Pabagsak ko itong binitawan at tumingin sa loob ng kwarto. Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto kung may CCTV at nang makitang wala naman at walang kahina-hinala ay tinalikuran ko si Stacy duon.

Akmang aalis naku ng marinig kung mag salita si Stacy at nanginginig pa ang boses nito at hirap na hirap.

"H-hindi kana makakalabas sa l-lugar na ito. P-patayin kita" Walang emosiyon na nilingon ko si Stacy at nakita ko itong hawak niya yung baril ko.

Nag paputok ito na agad kung iniwasan. Sunod-sunod naman ang pag paputok niya sa akin at hindi niya maasinta dahil narin sa nangyari sakanya.

Mas Iniinis lang ako nito. Tinuluyan ko na sana. 

Tinakbo ko ang kinalalagyan nito at tumalon rito ng hindi niya inaasahan. Nag agawan kami ng baril.

Malakas kung sinuntok ang dumudugo na nitong Mukha kaya nabitawan niya ang baril. Tigas padin kahit durog na ang mukha niya.

"Binaril muna sana ako bago kapa dumada. Pero bago mo pa ako mapatay. Uunahan na kita" At walang kurap ko itong binaril sa noo at tumayo bago inilagay ang baril sa bewang at patakbong lumabas duon.

Hinayaan ko na siyang mabuhay. Kasalanan niya kung bakit ko pa siya pinatay.

She made me do it.

Ano na kaya ang nangyari kay Spencer? Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ko habang tumatakbo papalabas ng kwartong iyun. Pinahid ko ang dugong tumalsik sa mukha ko at bumalik sa arena.

Habol ang hiningang inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Hinanap ng mga mata ko si Spencer pero wala na siya duon sa pwesto niya kung saan ko siya iniwan. Damn it! Where are you Spencer?!

Nakaramdam ako ng takot ng hindi ito makita pero mas lalo akong kinain ng kakaibang takot ng dumako ang mata ko sa harap at nakita si Spencer sa loob ng Stage.

What is the meaning of this!! Stacy wasn't joking then. What the hell is he doing?! What are you thinking Spencer?!

Tinignan ko ang kalaban nito at nang aasar na nakangiti ito kay Spencer. I'll punch your face Emmanuel!! Don't you dare lay your dirty hands on my husband!!!

Magaling si Spencer sa hand to hand combat pero alam ko din na magaling din itong si Manuel. Marami na siyang pinatay sa loob ng ring mula pa kanina.

Paano nakapasok diyan si Spencer? What happened? Did he enter in his own will? Or someone force him?

Hindi ko pinansin ang mga sigawan sa paligid dahil ang buong atensyon ko ay naka'y Spencer.

Inobserbahan ko ang dalawang lalaki na paikot ikot sa loob ng ring habang nag tatagisan ng tingin. Dumako ang tingin ko kay Spencer at gusto kung murahin ng ilang beses si Emmanuel.

Mukhang kanina pa nag simula ang laban dahil nakikita kung pareho silang duguan at puno ng pawis. What the hell are you thinking Spencer?!

Lalong tinambol ang puso ko sa kaba ng pareho nilang sinugod ang isa't isa.

"Spencer!!" Sigaw ko ng makita ko itong bumagsak sa sahig. Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa nakita. Masamang tingin ang ipinokol ko kay Emmanuel na nakangisi lang.

Parang gusto kung pumasok sa ring at upakan si Emmanuel.

That's my husband asshole!!

Nag sigawan ang mga manonood ng bumagsak si Spencer. Masamang tingin ang ipinokol ko sa taong nasa likod ko na tinalo pa ang microphone sa lakas ng sigaw nito na tila tuwang tuwa.

"PATAYIN MO NAYAN!!" Madilim ang mukhang nilingon ko ang taong sumigaw nun.

"Unahin na kita" Sabi ko at walang kurap na sinuntok ito sa mukha na ikinabagsak nito sa sahig at nawalan ng malay.

Nilingon ko ang ibang taong gulat na napatingin sakin.

"Tinitingin Tingin niyo diyan? Gusto niyong isunod ko kayo sakanya?" Matalim ang matang sabi ko sakanila. Mabilis nilang itinikom ang kanilang bibig at nag iwas ng tingin. Hindi naman nakapansin ang ibang tao dahil tutuk na tutuk sila sa laban.

Ibinalik ko ang mata ko sa stage ng makitang tumayo sa pag kakabagsak si Spencer.

Damn! Hindi kami pumunta rito para mag pabugbug!!!

"EMMANUEL! EMMANUEL! EMMANUEL!"

"TAPUSIN MUNA YAN!"

"PATAYIN MUNA EMMANUEL!!"

"WAG MUNANG PATAGALIN ANG LABAN!!"

"EMMANUEL!!"

"EMMANUEL!!"

Sigaw ng mga tao sa loob ng Hall maliban sa mga tao na nasa paligid ko. Takot lang nila na lumipad ang kamao ko sa pagmumukha nila.

"FIGHT SPENCER DAMN IT!!" Sigaw ko.

Napatingin naman sa akin si Spencer at tila nagulat pa ito ng makita ako pero agad din nag dilim ang mukha niya ng dumako ang mata niya sa kabuoan ng mukha ko.

"Fight!!" Sigaw ko.

Nakita ko naman itong tumango sa akin at ibinalik ang tingin sa kalaban nito. Bigla akong napatingin kay Emmanuel na hinawakan sa damit si Spencer.

He was about to punch my husband when Spencer block he's attack and punch Emmanuel in his stomach.

"GO DADDY!!" I shout at the top of my lungs. Hindi ko na pinansin ang kakaibang tingin ng mga katabi ko dahil ang buong atensyon ko ay nakay Spencer na mukhang bumabawi na.

Then it hit me. Gago toh ah!! Nag papabugbug lang ba itong si Spencer mula pa kanina? Kung ako na lang kaya bumugbug sakanya?! Bat niya hinahayaan na bangasan ang gwapo niyang mukha?! Hindi niya ba Alam na napakalaking sayang yun para sa side ko?

Ano nalang ang mamanahin ng mga anak ko? Napatampal na lang ako sa noo dahil sa naisip.

Lalong lumakas ang sigawan ng bumawi si Spencer at sunod-sunod nag pakawala ng suntok at sipa.

My husband is fast. That's it Spencer! Take that fat man down and make me proud!

Nag palitan din sila ng atake at walang gustong magpatalo.

Everytime na nag papakawala ng mga atake si Spencer ay lalo akong humahanga at nainlove rito.

'Asawa ko yan'. Gusto ko yan isigaw but I stop myself and watch my husband throwing some hard punch and powerful kick to Emmanuel who's having a hard time blocking Spencer's attack.

Biglang umapak sa pader si Spencer at buong pwersang sinuntok si Emmanuel sa mukha na ikinabagsak nito sa duguang stage.

Malakas na nag sigawan ang mga tao sa paligid lalo na ako.

"That's my DADDY!!!" Sigaw ko habang naka taas pa sa ere ang parehong kamay sa subrang tuwa.

Napatingin naman sa akin si Spencer na habol ang hininga. Madumi na siya at magulo ang basa nitong buhok na tumatakip sa mga mata niya.

May dugo din ito sa gilid ng labi. Dahil siguro iyun sa pag suntok ni Emmanuel sa mukha niya.

Pero bakit ang gwapo padin ni Spencer?

Pagkalabas na pag kalabas nito sa ring ay sinugod ko ito ng yakap. Hindi ko lang kasi mapigilan ang matuwa.

Thank God his safe.

I'm happy that he won. Galing talaga ng Asawa ko. Nag hintay ako ng ilang segundo na itulak ako nito pero umabot na ng ilang minuto ay wala padin kaya natuwa akong humiwalay rito.

Pinunasan ko agad ang labi niya ng may pag iingat at tinanggal ang dugo duon. Ramdam ko mula sa kamay ko kung gaano kalambot ang mga labi niya. Nakangiting nag angat ako ng tingin kay Spencer.

"Look at you. Still handsome as ever" Malambing ang boses na sabi ko habang maingat na hinahaplos ang mukha ng asawa ko.

"Ang galing mo" At diko na napigilan ang sarili na mabilis siyang dinampian ng halik sa gilid ng labi niya sa subrang tuwa.

Natigilan ako sa ginawa ko at lalo na si Spencer. Ito kasi ang unang beses na hinalikan ko siya kahit sang parte ng mukha niya.

Kinuha ko naman ang pagkakataon at hinalikan ulit ito sa gilid ng labi dahil baka matagalan pako bago ko siya mahalikan nanaman.

"Ayan sinauli ko na. Dika lugi" Ani ko.

Pinigilan ko naman ang hindi mapangiti. Kinikilig kasi ako. For a long time nahalikan ko nadin ang Asawa ko.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay at ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakatingin kay Spencer na walang emosyon na nakatitig sa akin.

Akala ko ay magagalit si Spencer at Disneyland ako. Pero hindi man ito nakangiti nakikita ko naman ang pag kislap ng mga mata niya dahil sa ginawa ko.


~ END ~

A/N: Umabot na ng Five thousand words itong chap haha.