LNCrawler

CHAPTER 3

The War Between A Husband And Wife — www.wattpad.com · All chapters

CHAPTER 3

CHAPTER 3

Late na kaming nakarating sa restaurant dahil sa kaartehan ng asawa ko. Nahirapan pa akong kumbinsihin ito na isang kotse lang ang gamitin namin dahil baka raw may gawin ako sakanya, which is true naman.

Ang gwapo kasi nito sa suot nitong dark polo shirt at pants, may suot din itong coat. Nakadagdag pa sa kagwapuhan nito yung magulo nitong buhok. Hindi na talaga maka tarungan toh. Nung umulan ata ng biyaya may dalang truck si Spencer.

He stopped the car in the parking lot and I almost scratch him when he didn't help me with the seat belt and didn't wait for me. Ang lalaki talaga na yun iniwan ba naman ako?!

Pagkalabas ko ng kotse ay mabilis kung sinundan si Spencer. Kinalma ko ang sariling hindi ito sugurin dahil sa ginawa kanina. Ayokong sirain ang gabing ito dahil lang duon. Makakapag timpi pa panaman ako. I can still manage.

Ganun talaga ang mga magaganda mapag pasensya. So I understand. Ayokong mabawasan ang ganda ko ngayong gabi na wala namang epek sakanya. Anong klaseng mata meron siya at hindi niya nakikita ang pag papacute ko rito?

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hinintay ako nito sa harap ng restaurant. Akala ko mauuna nanaman itong pumasok. Napaka gentleman talaga nito grabe.

Note the sarcasm.

"Buti naman naisipan mokong hintayin. Para kang walang kasama ah" Sabi ko sa kalmadong boses.

"...."

Napa iling nalang ako bago sabay kaming pumasok ng restaurant. Agad naman kaming nakakuha ng mesa dahil pamilya ni Spencer ang may ari ng lugar. Hindi panga kami nakaka upo ng may isang nag papansin na agad sa harap ng Asawa ko.

May isang babaeng bumangga kay Spencer at halatang sinadya. Walang emosyon na tumingin ruon si Spencer at yumuko naman ang babae.

"I'm sorry Mr. Oraller, Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" Pag papacute nito at nag salubong ang kilay ko ng makitang idinikit pa nito ang katawan kay Spencer.

Dahan dahan akong lumapit sa pwesto nila at ng makita ako ng babae ay ngumiti ako rito pero matalim ang matang tinignan ko ito.

"Naranasan mo nabang masaksak?" Nanlilisik ang matang sabi ko rito.

"Who are you?" She ask.

I smugly raised my hand we're our wedding ring is, kung pwede ko lang isampal ito sa pag mumukha niya ay ginawa ko na pero ayokong makakuha kami ng atensyon.

Baka ano pang magawa ko rito, God knows what will happen to this woman in my hands. Napalunok naman ang babae at agad tumakbo paalis. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang mawala ito sa paningin ko.

Nilingon ko si Spencer na nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

"Sa banyo lang ako" I said.

"Okay"

Mabilis akong tumalikod at nag ayos saglit sa banyo . Inayos ko ang sarili at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko bago ngumiti sa repleksiyon sa harap ng salamin.

"Ganda mo talaga Xeiara"

Hakot atensyon talaga si Spencer. Ang gwapo ba naman kaya kahit talaga san kami pumunta ang daming papansin. Kulang na lang itali ko siya sa akin para alam ng mga higad natoh na pag mamayari ko siya.

Nang makontento sa itsura ay lumabas naku at hinanap ng mga mata ko si Spencer. Nawala ang ngiti sa mukha ko ng makita ang isang babaeng sinadyang bangain si Spencer at kung san saan dumapo ang malikot nitong kamay sa Asawa ko. Bilib din ako sa tigas ng katawan ni Spencer hindi manlang natinag duon.

Mabilis ang paang nag lakad ako papalapit sa pwesto nila at malakas na hinampas ang kamay ng babae at siniguradong mag tatanda ito. Mukha namang nasaktan dahil nangilid ang luha nito sa mga mata.

She should be thankful that I just smack it and didn't break it. Pwede ko ding tanggalin ang pareho niyang kamay sa katawan niya kung gugustuhin ko kaso nasa harap ko si Spencer. Dapat mahinhin lang tayo. Pero hindi bagay yun sakin dahil daig ko pa ang lalaki kung kumilos.

"Touching someone's property without the owner's permission is Very deadly. Do you want to try how deadly it is?" Xeiara sweetly smiled but her eyes tells other wise. She was glaring and her eyes is very sharp. The woman got scared and run away fast.

Xeiara playfully wave to the woman and slightly chuckled.

"You scared her" Spencer said.

"I did" Xeiara said with a shrug.

"You didn't deny"

"Do I have?" She ask and raised her eyebrows.

"You always"

"Not Anymore" She Smiled widely.

Dumako ang tingin ni Xeiara sa magulong buhok ng asawa at walang pag aalinlangang inayos niya iyun pati nadin ang nagusot nitong damit. Spencer was just silent at the moment and waiting until Xeiara is done. Nag papasalamat din ako at hindi umiwas si Spencer at hinayaan lang ako. I was expecting that he won't let me touch him.

"You're hair is soft eventhough it's messy" Xeiara sweetly smiled at her husband who's just looking at her indifferently.

Napaatras si Xeiara ng may bumangga sa likod ng Asawa niya. Another woman who wants her Husband's attention. Nalukot ang mukha ni Xeiara ng makita kung paano yumuko at humawak ng pasimple sa asawa niyang mukhang bored na bored na.

"Oh my goodness! I'm very sorry Mr. Oraller. I didn't meant to bump at you. Someone push me. It's my fault I wasn't looking at my way" I rolled my eyes after hearing what she said.

Another bitch.

Bago pa saan dumapo ang kamay nito sa kung saang parte ng Asawa niya ay mabilis na hinuli ni Xeiara ang kamay ng babae na akmang hahawak sa dibdib ni Spencer at malakas na pabalyang binitawan ito. Halata sa mukha ng babae na nasaktan siya sa klase ng pag kakahawak ni Xeiara sa kamay niya kanina na animoy gustong baliin.

"That's hurt!" Reklamo nito.

"Another pest. Iilan ba kayo? Baka lahat ng lalaki rito banggaan niyo din. Hilig niyo sa banggaan ah. Kung sagasaan ko kayo isa-isa?" Xeiara said with her sharp eyes.

"What's wrong with you? Sino kaba?" Tapang tapangan na sabi nung Babae.

"His Wife" Xeiara said with a smug on her face. Hindi ko pinansin ang pag buntong hininga ni Spencer at tinaasan ng kilay ang babaeng nasa harap ko.

"I don't see a ring" The woman smirk.

"Here" Xeiara said and raised her middle finger where her ring is. "Now you see it". Napangiwi naman ang babae sa nakita at agad tumalikod.

"Have you seen her face?" Nakangising sabi ni Xeiara.

Pero wala duon ang atensyon ni Spencer. He was staring at her dress. Bumaba naman agad ang tingin ni Xeiara sa suot niya bago ibalik kay Spencer na nakatingin padin sa suot niya. Tinaasan ko naman ito ng Kilay. Is he looking at my cleavage?

"What's wrong?" Xeiara ask.

"Does it have buttons?"

Nagtataka naman akong napatingin rito.

"Walang butones ang damit ko. Mababa talaga ang neckline niyan. Style ang tawag diyan. Bakit hindi ba bagay sa akin?" I ask him. Tinaasan ko ng kilay si Spencer para kunin ang sagot nito pero nakatingin lang ito sa akin.

"Well?"

"They're staring at you"

"Nakatingin din naman sayo yung mga babae. Good thing I'm not in the mood to kill them. C'mon let's eat" Malawak ang ngiting sabi ni Xeiara bago kumapit sa braso ni Spencer at hinila ito papunta sa mesa nila.

"Bat ka kasi umalis dito. Alam mo naman na agaw atensyon ka eh" Paninisi ko kay Spencer na nag salubong ang kilay.

"How it becomes my fault?" Taka nitong tanong sakin.

"Inakit mo sila"

"I didn't"

"Inakit mo nga din ako eh"

"What?" Kunot noong tinignan ako ni Spencer. Ngumisi lang ako rito at umayos ng upo.

Nang komportable naku sa upuan ay malawak akong ngumiti kay Spencer na parang na wewerduhan na sakin. Hindi ko pinansin ang tingin nito at ngumiti na lamang.

"C'mon let's eat" Sabi ko. Kumunot bigla ang noo nito na hindi ko na lang pinansin.

"Let's wait, They're still not here"

"But I'm hungry Spencer!" Nakasimangot kung sabi rito. Spencer heave a sigh and signaled me to do whatever I want. Tamad talaga.

Tumayo naman ako para sana tawagin yung waiter ng sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin sa loob ng restaurant.

Nagulat ako sa bilis ng galaw ni Spencer ng hinila ako nito papunta sa tabi nito sa ilalim ng lamesa. Tulala akong nakatingin rito habang may hawak na itong baril. Hindi parin nag s-sink in sa isip ko ang sitwasyon namin ngayon ng marinig ko ang boses ni Spencer.

"Xeiara" He calls my name. Nag angat ako ng tingin rito and he was staring at me.

"W-what?"

"You Okay?" Tanong nito sa akin. Napatitig tuloy ako rito. That's the first time he ask me if I'm okay. Palihim akong napangiti at dahan-dahang tumango rito.

Pareho kaming napaasik ng makitang madami ng taong wala ng buhay ang naka kalat sa loob ng restaurant. Naririnig ko padin ang sunod-sunod na pag papaputok ng kung sino mang mga taong ito na parang sinisigurado talagang mamatay ang taong sadya nila rito.

Nilingon ko si Spencer na nakatingin din pala sa akin. Ngumisi ako rito bago hinugot ang dalawa kung pistol na nakatago sa hita ko. Tinaasan ko ng kilay si Spencer ng makitang nakatingin siya duon.

"Naaakit ka Noh?" I tease him.

"Nonsense"

"Whatever. Let's fuck this shitheads" Xeiara said. Tumango naman si Spencer.

Lumabas kami pareho sa pinag tataguan namin at nag paputok sa mga kalaban. Hindi naman ako nabigo ng makita silang matamaan at nawalan ng Buhay.

Madaming kalaban ang naka kalat sa loob ng restaurant at madaming inosenteng buhay ang nadamay. Sa dami ng baril nila sinigurado talaga ng mga ito na mamamatay ang kung sinoman ang nasa loob rito. Pero malas nila dahil mautak kami ni Spencer.

I know them. They're target was me and my husband. Nadamay lang ang mga inosenteng mga taong ito at nagkataon na andito rin sila kung saan andun din kaming mag asawa.

The question is how did this shits know that we we're here? They're really wants us dead Huh. Too bad hindi pa ako nakaka score sa Asawa ko kaya hindi pa ako pwedeng mamatay. Uunahan ko muna sila bago nila ako maunahan.

Napaasik ako ng madami pa ang pumasok sa loob ng restaurant at pareho naming hinanda ni Spencer ang sarili namin. We're just two assholes!! This is not fair!

Nakita ko si Spencer na nakatago sa pader habang nag lalagay ng panibagong bala sa baril nito. My eyes instantly sparkle just by looking at him. He's hot while doing the gun. Ang gwapo talaga nito.

"Spencer!" I shouted while still shooting at the enemy. Tutuk si Spencer sa mga kalaban at walang nasayang na bala sa baril nito dahil isang bala isang kalaban ang natatamaan niya.

"Spencer!" I shouted again.

Hindi naman ako nabigo ng agad itong lumingon sa gawi ko. Inilibot din nito ang mata sa kabuoan ko kung may sugat bago ibalik ang tingin sa mukha ko.

"What?"

"Don't die yet okay? Aanakan mo pa ako" I shamelessly said.

Pinaputukan ko ang kalaban na kalalabas palang sa pinag tataguan nito at sapol ito sa noo. Ibinalik ko ang tingin kay Spencer at isang masamang tingin ang natanggap ko mula rito. He was glaring at me and I can't help but laugh. Nagawa ko pang lumandi sa sitwasyon namin ngayon. But I'm actually serious of it. Sayang lahi ko noh!

At least bago ako mawala sa mundo may naiambag ako sa Earth. Ang ipagkalat ang lahi ko.

Naging alerto naman kami pareho ng mag paputok sa gawi namin ang mga kalaban.

Sumilip naman ako sa pinag tataguan ko and it's my turn to shoot them again. Walang balang nasasayang dahil kada isang bala Isang kalaban ang natatamaan. Napatingin ako sa pwesto ni Spencer at magaling din ito. Hindi ko na napigilan ang bibig kung mag salita ulit.

"My Husband is Good At SHOOTING" Xeiara shouted.

Natawa ako ng masama ako nitong tinignan. Well I'm pertaining for something else but he's really good at shooting, madami na ang napatay nito at parang hindi nauubos ang kalaban namin.

Pareho kaming napaasik at mabilis na nag tago ng may mga panibagong kalaban ang pumasok sa loob ng restaurant. Pambihira kailan kaya sila mauubos? Dalawa lang kaya kami! Paubos nadin ang bala ko at alam kung ganun din si Spencer. Ganun ba nila kami ka gustong patayin?

Nasa mag kabilang dulo kami nag tago ni Spencer kaya kamay lang gamit nito para i-signal ako. Ngumisi lang ako rito habang kunot noong nakatingin ito sa akin. Trip ko siyang asarin ngayon at walang makakapigil sakin.

'What are you doing' He mouthed.

I pout my lips as if I was asking for a kiss. Makapal kasi ang mukha ko at walang pakialam si Spencer duon dahil alam na niya iyun.

He looked at me dumbfounded. Ngumisi ako rito at nag lagay ng bagong magazine sa parehong baril ko. He was just watching me the whole time and I can't help but to be happy. He might not say it but I know his worried about my situation. He keep on looking at my body searching for bruises or wounds.

"I'm Okay" Sabi ko nalang rito. Wala naman akong nakuhang sagot rito. Nakangising nag kibit balikat nalang ako.

Napaasik ako ng may nag paputok patungo sa pinag tataguan namin. Nag katinginan naman kami ni Spencer. He signaled me and I just smile. Nag salubong ang makapal nitong kilay sa akin.

"Be serious" He warned me.

"Oo nga. Seryuso ako sayo. Loyal to noh" Natatawang sabi ko.

"Xeiara!"

"Oo na" I laugh.

He signaled me again. He will count to three then lalabas kami sa pinag tataguan namin at susugod.

"What's your plan?" He ask.

"Ang buntisin mo ako"

"Be serious" He glared at me.

"Don't die"

Hindi ko na hinintay si Spencer at lumabas ng pinag tataguan ko bago sunod-sunod na nag paputok sa gawi ng mga kalaban. Sumunod naman si Spencer at yun din ang ginawa nito. One bullet one enemy.

Napamura ako sa isip ko ng muntikan akong tamaan ng bala mula sa baril ni Spencer ng mag paputok ito sa likod ko. Tinaasan lang ako nito ng kilay bago nag patuloy sa pag papaputok sa mga kalaban habang ako ay pinipigilan ang sariling hindi ito barilin sa ulo. I know he was aiming for the enemy pero muntikan naku duon!

"Damn it!" I cuss and continue shooting the enemy.

Lumabas ako sa pinag tataguan ko at nag paputok sa mga kalaban. Narinig ko ang pag asik ni Spencer ng umalis ako sa pwesto ko at sumugod. Hindi ito matatapos kung hindi ko lalapitan, madami ng buhay ang nadamay dahil sa amin.

Isang malakas na upper cut ang ibinigay ko sa isang kalaban na sumugod papunta sa gawi ko at sinipa sa gilid ng mukha. Mabilis itong tumilapon at sumugod ang iba pang mga kasamahan nito papunta sa akin. Imbes na matakot ay natuwa pako.

Habang nakikipag suntukan ako sa gitna ng restaurant si Spencer naman ay nakikipag barilan sa ibang kalaban at sa mga gustong lumapit sa akin.

Pag kabasag ng salamin at mga putok ng baril ang maririnig sa loob ng restaurant. It's between me and my husband vs this shits.

Mabilis kung nahuli ang paparating na suntok sa akin. I twist it's hands and smack his neck until it lost its consciousness. Malakas kung sinipa sa dibdib ang isang kalaban na akmang susugod sa likod ko. Agad naman itong tumilapon and shoot his head.

Napamura ako ng muntikan akong tamaan ng kamao ng kalaban ng makipag agawan ako ng baril rito. Yung mga kalaban na gustong lumapit sa akin at may balak na patayin ako ay naka handusay na sa sahig dahil kay Spencer na siyang bumabaril sa mga kalaban malapit sa akin. Habang nakikipag suntukan ako sa malapitan si Spencer naman sa barilan.

"Asshole!" I punch his face and grabbed his hair before smashing it to the nearest wall.

I bit my lower lip when I feel the pain in my back when someone hit me. Balak ko na sanang gantihan ang kung sinong pumalo sa likod ko ng makita ko si Spencer kung pano niya patayin ang taong pumalo sa akin. This guy has no mercy.

Kinuha ko ang baril na nahulog sa sahig at naging alerto ng makitang may mga panibagong kalaban pa.

"Spencer!" I shouted habang tumatakbo papunta sa gawi nito. Nakita ko kasi ang pag tayo ng isang kalaban sa likod niya and Spencer was just looking at me while running towards him.

Agad naman akong tumalon at walang pag dadalawang isip na sinalo ako nito at buong lakas kung sinipa sa dibdib ang kalaban na agad tumalsik palayo.

"Nice Catch Daddy" I tap his chest and wink at Spencer who still carrying me. Such a sweet husband catching me like this.

Napabuntong hininga na lang si Spencer at ibinaba ako sa sahig ng may tumatakbong kalaban papalapit sa gawi namin. Umikot ako habang mag kahawak ang mga kamay namin at malakas na sinipa ang kalaban sa leeg at sa ulo na ikinabagsak nito sa sahig.

May nag paputok ng baril sa gawi namin at nagulat ako ng hinila ako ni Spencer kaya napahiga ako sa braso niya at sinalo. Nagkatitigan naman kami dahil duon. At sa ganuong sitwasyon ay hindi ko napigilan ang puso kung tumibok ng pag kabilis bilis para sa kanya.

Mabilis na ibinalik ni Spencer ang atensyon sa lalaki at binaril ang kalaban na sapol sa ulo. Huminga ako ng malalim at kinalma ang puso kung mabilis ang tibok dahil sa lalaking nasa harap ko. Si Spencer lang ang may kakayahan na mag patibok ng puso ko ng ganito kabilis.

Itinayo ako ni Spencer habang hawak ako nito sa bewang. Hindi mahigpit kundi napaka gaan ng hawak nito sa akin na parang ingat akong hindi masaktan. Napatikhim agad ako at mahinang natawa. Parang Ngayon ko pa gustong harutin si Spencer.

"Thanks. I feel like we're dancing in the middle of war zone" I said and chuckled. Kumunot naman ang noo nito sa akin at humiwalay.

"Shut up" He said and turned his back at me. Natawa na lang ako sa pag susungit nito.

Pareho kaming napa asik ni Spencer ng may bago pang mga kalaban ang pumasok sa restaurant. Mukhang may mga dumating pang kalaban. Ganun ba nila gustong mapatay kami? Too bad they can't kill us.

Mabilis kaming nag tago ni Spencer at nag katitigan. Matamis akong ngumiti rito habang salubong ang kilay nito sa akin na tila na wewerduhan sakin. Napaka sungit talaga nito pasalamat talaga siya at ang gwapo niya.

Dahil malayo ang pinag taguan namin sa isa't isa ay ginamit nito ang kamay para isignal ako. Dahil gustong gusto kung asarin si Spencer ay inilagay ko sa pisngi ko ang isang kamay ko at gumawa ng puso. Kumunot ang noo nito at natawa na lang ako sa naging reaksiyon niya. Nag babarilan nat nag papatayan nagawa ko pang hindi mag seryuso sa sitwasyon namin ngayon. Parang kanina lang, Ewan ko ba trip ko talagang asarin ito at wala akong pinipiling oras basta gusto ko.

He signaled me again and I nod but still smiling playfully at him. Siguro gusto naku nitong barilin sa subrang kulit ko. He counted using his hands and after three sabay kaming lumabas sa pinag tataguan namin at sabay na nag paulan ng bala sa gawi ng mga kalaban.

Nag paputok sa gawi ko si Spencer at gulat ko itong nilingon. He almost hit me damn it! Alam kung hindi para sakin yun pero muntikan padin akong tamaan. Kanina din kahit hindi niya sinadya pero muntikan din akong tamaan.

Nag patuloy kaming makipag palitan ng putok sa mga kalaban. Habang nag lalakad papalapit ay napansin ko ang pag atras ng iba.

Tama ang naging hinala ko ng tumakbo ang iba palabas kaya inubos namin ang mga nasa loob ng Restaurant at mabilis naming tinakbo ang destinsya ng pintuan ng restaurant at nakita na lang namin ang papalayong mga sasakyan ng kalaban.

"Should we catch them?" I ask my husband at nakatingin sa mga sasakyan na malayo na.

"No" He said at tumalikod sa akin para pumasok pabalik sa loob ng Restaurant. Nakangiti naman akong sumunod rito at mahinang patalon talon kahit subrang taas na heels ang suot ko.

"That was fun" Ani ko habang nasa likod niya.

Napailing na lang ito na ikinatawa ko ng mahina. Yep he's tired from my weirdness.

Hindi nag tagal ay dumating na ang mga pulis para imbestigahan ang mga nangyari. Tinanong din nila si Spencer at syempre sa ibang sinabi nito sa mga pulis ay hindi totoo. Nasa tabi lang ako nito habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila.

This is a personal problem. Kami talaga ni Spencer ang target ng mga iyun. Nang matapos nilang kausapin ang Asawa ko ay nilapitan ko naman ito at tumabi sa gilid niya habang suot ang coat nito na pinahiram niya sa akin kanina. Ang bango nga nito eh. Hindi ko na nga gustong Ibalik eh.

"Xeira" Rinig kung tawag nito sa pangalan ko. Palihim naman akong napangiti sa narinig. Ang sarap pakinggan marinig ang pangalan ko na lumabas sa bibig niya.

"What is it?" I ask.

Nag taka ako ng makitang inilahad ang kamay niya sa harap ko. What's my handsome husband up to? Nakakapag taka ang ikinikilos nito ngayon. What does he wants? Kusa namang umangat ang kamay ko at inilagay sa kamay niyang naka lahad sa harap ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga nito habang nakatingin sa kamay kung hawak niya ngayon. Napangiwi ako ng makita ang pamumula at maliliit na sugat sa kamay at knuckles ko.

"Next time don't you ever do that again as if you have ten Lives" panenermon nito sa akin at agad akong tumango na parang maamong tupa.

"How's your back?" He asked.

"Good"

Nanlumo ako ng binitawan nito ang kamay ko. Parang gusto kung ibalik rito at wag ng bitawan. Napatingin ako sa kamay kung hawak-hawak lang kanina ni Spencer. Parang may kulang.

Inalis ko ang tingin duon at ibinalik ang tingin kay Spencer na walang emosyon na nakatingin sa akin. That emotionless face again.

"You we're good back there. You're really good at SHOOTING" Naka ngising sabi ko.

Kumunot ang noo nito sa akin na parang natanggalan ako ng ulo. Like I said, me and my husband are both skilled when it comes on fighting.

Bata pa lang ako ay ito na lagi ang ginagawa ko. Hawak ko lagi ay baril o kaya naman katana. Same as Spencer dahil mag kasama kaming nag e-ensayo nung mga bata pa kami since our parents we're friends. Naisipan panga nilang ipakasal kami pag laki namin which is nangyari na nga.

"Dad is a good Teacher" Sabi ni Spencer. Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig.

"I'm pertaining with something else" Nakakalokong sabi ni Xeiara.

Hindi naman ako nito pinansin at tumalikod bago kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Agad akong lumapit sa tabi ni Spencer at sinilip kung sino ang tatawagin niya. Mahirap na baka babae nito ang tawagin niya.

"Are you cheating on me?" I ask him. He look at me dumbfounded. Masama ba mag tanong?

"Sino ang tinatawagan mo?" I ask him ng makitang nasa tenga na nito ang cell phone at nag hihintay na lang na masagot ang tawag niya.

"Mom. Good thing they didn't come here" He said. Oh shit. Nag panic ako bigla ng marinig ang sinabi nito.

"Spencer" I call my husband's name and bit my lower lip while playfully playing both my pointing finger.

"....."

He didn't answer so I continue talking. Ayokong mapanisan ng laway. Ako na ang mag adjust pag ganyan yan automatic na ipag patuloy ko ang sasabihin ko.

"Ahm about our Parents.... Wala talagang Family Dinner, I lied" I said at mabilis na nag iwas ng tingin rito because of guilt.

Wala naman akong nakuhang sagot rito kaya ibinalik ko ang tingin sakanya. Pinatay nito ang cellphone at nakatingin na sa akin. Telling me to continue talking.

"A-ano kasi Spencer....."

"What?"

"Gusto ko lang talaga mag date tayo" Sabi ko at pekeng tumawa rito.

Tumabingi ang ulo niya at naka tingin sa akin. Narinig ko na lang ang pag buntong hininga nito bago tumalikod sa akin. Agad naman akong sumunod rito at sumabay sa pag lalakad niya.

"San ka pupunta?" I ask him. And of course wala akong nakuhang sagot mula rito.

"Spencer wait!!"

"...."

Ang Bilis nitong mag lakad. Hello? Naka heels ako noh baka matapilok ako.

Napamura ako sa isip ko ng mamali ako ng pag hakbang. Hinintay ko ang pag bagsak ko sa sahig ng maramdaman ko ang matigas na katawan ni Spencer na agad akong sinalo.

Inangat ko ang tingin rito at nag kasalubong ang tingin namin sa isa't isa. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa kahihiyan sa subrang clumsy ko. Tinulungan ako nitong tumayo and I was about to say thank you when he talk.

"Clumsy" He said at tinalikuran ulit ako.

Pinigilan ko naman ang sariling hindi ito gulpihin. Napaka ano talaga nito. Bumaba ang tingin ko sa suot kung coat at napasimangot. Pasalamat ka mabango ang coat mo kung hindi binugbug na kita.

Sumunod ako rito at duon ko lang napag tanto na sa parking lot pala siya papunta. Uuwi na kami? Anong oras pa lang masiyado pang maaga para umuwi. Hindi namin itutuloy ang naudlot naming date?

"Uuwi na tayo?" I ask him ng makalapit na ng tuluyan.

"Yeah"

Napaasik naman ako. Kasalanan toh ng mga kalaban eh kung hindi sana sila sumugod di sana kanina pa kami masaya ni Spencer habang nag d-date. Epal talaga! Hanapin ko kaya ang mga yun at tuluyan?

"Can't we continue our date?" Puno ng pag aasam na tanong ni Xeiara kay Spencer na walang emosyon na nakatingin sakanya. Sa klase ng tingin na ipinapakita ni Spencer may ideya na si Xeiara kung ano ang sagot ng Asawa.

"Yes" He said. Nanlumo agad ako sa narinig.

"B-But it's still early. Let's continue our date!" Parang batang nag mamaktol na sabi ni Xeiara. Nag papadyak din ito at kumunot ang noo ni Spencer dahil sa ginawa niya.

"Home. Now"

"Edi umuwi ka mag isa mo. Sa iba na lang ako makikipag date akala mo ah!" Pananakot ko rito.

"Stop shouting. You're just close to me"

"Gusto kung sumigaw may magagawa ka?"

"...."

"Ang arte nito. Ako naman ang nagyaya makipag date sayo pakipot kapa!" Naiinis ang boses na sabi ni Xeiara kay Spencer.

Napamura ako ng makitang binuksan ni Spencer ang pinto ng driver seat at pumasok. Seryuso talaga itong uuwi na ito at walang balak na ipag patuloy ang naudlot na date namin. Balak pakong iwan. Wala talagang puso ang lalaking toh!

Mabilis kung binuksan ang passenger seat at agad pumasok. Tumingin lang ako sa harapan at hindi nilingon si Spencer na alam kung nakatingin na sa akin ngayon.

Palagi na lang ito ang nasusunod at nakakainis na. Pano naman ang gusto ko? Nag sinungaling panga ako para lang makapag date kami kasi kung sinabi kung kami lang sure naman akong hindi ito pupunta. Arte din ng lalaking toh Eh. Ako tuloy nag mumukhang lalaki saming dalawa.

Nilingon ko si Spencer at agad ibinalik ang tingin sa harap ng malaman na nakatingin nga ito sa akin. This is embarrassing, tapang-tapang ko pang sinabi na makipag date ako sa iba pero hito ako ngayon sa loob ng kotse niya.

"Seriously okay lang sayo na makipag date ako sa Iba? I'm your wife! Kakayanin mo bang makita akong may kasamang ibang lalaki? Okay ka paba?" I said in annoyance.

Silence......

"Wala kabang sasabihin? Kanina lang ang daldal mo" Naiinis kung sabi rito.

"You like it tho" He said. Nilingon ko naman siya.

"Alin? Yung hindi mo pag sasalita?" I confusely ask him.

"You. Dating someone else" He said.

Kumunot ang noo ko sa kanya at hindi nag tagal isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko na ikinakunot ng noo ng Asawa ko.

"Are you jealous?" I tease him.

"Nonsense"

Malakas naman akong natawa kahit wala naman talagang nakakatawa. Si Spencer mag seselos? Nunkang mag selos ang bato na lalakeng toh. He's cold and has no feelings at all. As if din na may crush ito. Kung meron man itong magustuhan bakit hindi ako?

"Paandarin muna ang kotse mong matigas na parang ikaw" Sabi ko.

Bat parang may double meaning yung sinabi ko? Napaubo naman ako ng wala sa oras sa naisip.

Wala akong nakuhang sagot mula kay Spencer at naramdaman ko na lang na binuhay nito ang sasakyan at pinaandar paalis ng restaurant.

Bigla ay gusto kung mag mukmuk. Hindi natuloy ang date ko kay Spencer. Nakasimangot ako sa upuan at hindi pinansin si Spencer.

Pareho kaming tahimik sa buong byahe pero ang isip ko ay duon sa nangyari kanina. Nakakapag taka lang kasi kung paano nila nalaman na nanduon kami. Maingat naman kami ni Spencer. Spy? I guess so. Kung sino man siya he/she is dead.

Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa bahay at nakapatay na din ang makena ng kotse. Nilingon ko naman ang pwesto ni Spencer at nagulat ng makitang wala na siya duon.

Bubuksan ko na sana ang pinto sa tabi ko ng bumukas iyun at nakita ko sa labas ang Asawa ko na siyang nag bukas ng pinto ng kotse para sa akin. Tumalon ang puso ko sa nakita at parang dalagang pilipina na nag pacute rito habang hinahawi ang ilang hibla na tumatabing sa mukha ko.

"Thank you—"

Pinigilan ko ang hindi mag mura ng tinalikuran ako nito at naunang pumasok ng bahay.

"Lord Bigyan moko ng mahaba habang pasensya pa dahil gahibla na lang poh at gagapangin—— I mean mapapatay ko na ang lalaking ito!" Napatampal na lang ako sa noo at padabog na sinara ang pinto ng kotse bago sumunod kay Spencer.

Hindi ko na ito nakita sa sala kaya paniguradong nasa kwarto niya na ito.

Umakyat ako sa second floor bago nag lakad papunta sa kwarto. Bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko ay napatingin ako sa kwarto ni Spencer na nasa dulo ng hallway.

Pumasok ako ng kwarto at pabagsak na humiga sa kama at hindi na nag abalang mag palit. What happened this day was fun and irritating at the same time.

Napangiti ako ng maamoy ko ang pabango ni Spencer sa coat niya na suot ko padin hanggang ngayon. Na relax naman ako sa amoy nito kaya hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng kadiliman.

~ END ~