LNCrawler

CHAPTER 6

The War Between A Husband And Wife — www.wattpad.com · All chapters

CHAPTER 6

CHAPTER 6


Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang nakaw tingin ng dalawa sa akin habang nasa harap kami ng hapag kainan. This two is surely weird. Pasimple naman akong sumilip sa pwesto ni Spencer na tahimik lang na kumakain at walang pakialam sa paligid.

"You still study?" Stephen ask while staring at me. Mukhang hindi na nakatiis ang isang ito at kinausap ako.

"Yeah"

"Where do you study?" Steven turn to ask.

"Your parents school"

"That's Cool. Me and Steven is still studying. So we've decided to study there also" Malawak ang ngiting sabi ni Stephen.

Okay?

"How old are you by the way? if you don't mind me asking. I'm just curios" Steven ask me this time. Salitan lang ba.

Napatitig tuloy ako sa kambal. I can distinguish between the two who is Steven and Stephen. Steven has a small mole below in his left eye while Stephen is the hyper one and very naughty.

"Turning 23 on September"

"Wow. We're on the same age. I think this is destiny" Malawak ang ngiting sabi ni Stephen habang nakatitig sakin. Tumango naman si Steven bilang pagsangyon.

What's wrong with this two? They're getting weirder in my eyes.

"I don't know what your talking about"

"Steven we've found her" Masayang sabi ni Stephen at di matanggal ang ngiti sa labi nito habang nakatingin padin sa akin.

"We like you" Steven said to me with a straight face. Napipilan naman ako duon. Anong trip ng dalawang itlog na ito? What does he mean they like me? They like me for Spencer?

Tumingin naman ako kay Spencer na patuloy padin sa pagkain na parang wala kami sa harap niya. Hindi manlang ito mag rereklamo? Ibinalik ko ang tingin sa dalawang lalaki na nasa harap ko na tila nakakita ng matagal na nilang gusto.

"I don't feel the same way. If you guys don't know. Your brother is my husband" I clicked my tongue after I said it.

"We still like you" Stephen said.

"Can you be our Girlfriend?" Steven ask and Stephen nod.

"Definitely no"

"You're really pretty" Stephen said and bit his lower lip.

Hindi naman ako nakapag salita at biglang nailang dahil hindi maalis ang tingin ng dalawa sa akin.

"Stop staring" Walang emosyon na sabi ko sa dalawa. But they weren't threatened so they keep on staring at me.

"Quit staring you two. You're making her uncomfortable" Biglang sabat ni Spencer na nasa amin na ang atensyon nito. Tumigil naman agad ang dalawa at nag patuloy sa pagkain but I can still see them smiling.

Nakahinga naman ako ng maluwag duon at pasimpleng ngumiti habang nakatingin kay Spencer. Is he jealous? If not then I'll just pretend that he is.

Tinapos ko naman agad ang pagkain at umalis sa hapag kainan para kunin ang gamit sa sala at pumasok ng School.

Pagkatapos kung makuha ang gamit ko saktong pag harap ko kakalabas lang ng tatlo sa kusina. Agad napunta ang atensyon ko kay Spencer na nakatingin din sa akin. Ngumiti ako rito but he didn't smile back. As expected, Sanay naku.

"Pasok naku" Paalam ko rito. Tumango lang ito sa akin. Okay nadin kaysa talikuran niya ako tulad nung dati.

"Sabay nalang tayo Xeiara" Sabi ni Stephen at agad lumapit sa akin. Sumunod naman agad si Steven at tumabi rin sa akin.

Seriously this two?! Umalis ako sa tabi nila at ngumiti but my eyes we're glaring at them. Imbes na matakot ngumisi lang ang dalawa sa akin as if they're not affected to my stares. Hindi gagana ang pag papacute nila sa akin. Immune naku sa mga ganyang itsura. Mukha palang ni Spencer sapat na kaya diko na kailangan ng iba.

"Una naku sainyo" Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at agad tumalikod.

May tatalo pa pala sa pagiging maharot ko. Talo pako ng dalawang yun. If I we're a normal girl I might fastly fall for their charm. But too bad I'm not normal. Coz I'm awesome.

Pagkasakay ko sa sariling kotse ay agad ko itong pinaharurut paalis ng bahay.

Those two eggs. They're both good looking but definitely annoying.

Pagkarating ng Academy ay mas lalong nasira ang mood ko ng makita ang step sister kung naka abang sa parking lot. Itinigil ko ang kotse at lumabas ng sasakyan. Malawak ang ngiting lumapit si Amber kay Xeiara na walang emosyon na nakatingin sa kanya.

"Why are you looking at me like that ba? Your scary me" Salubong na sabi ni Amber na lalong nag pairita sakin.

"What do you want?" Kalmadong tanong ko kay Amber. She's not my sister dahil anak ito ng bagong asawa ni Dad. I will just consider her my sister kung may dugo si Dad na nananalaytay sa katawan niya.

"You know naman na it's so matagal na tayong hindi nag kita. Want us to hang out ba? I can buy you foods sa cafeteria and talk something about our self" Napahilot nalang ako sa noo dahil sa narinig. And she stop herself from correcting amber.

Why? If she does there's a possibility that amber tells Dad about it and Dad surely call me after and scold me definitely. Mas pinapaburan pa nito ang hindi kadugo kaysa sa tunay niyang Anak.

"I'm full. Gotta go late naku sa klase ko" Bagot na sabi ko rito at nilagpasan Ito.

"Pero Xeiara——" Hindi natapos ang sasabihin ni Amber ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Hindi lang isa kundi dalawa!

"Xeiara!" They call my name in unison.

Napamura nalang ako sa isip ko. Ang bilis naman ng mga ito. Nilingon ko ang pwesto ng kambal na nag lalakad papalapit sa akin. Parang mga artista kung mag lakad lalo na si Stephen na may pakaway pa sa mga babaeng studyante na kinikilig sa tabi na parang inasinan na uod.

Gross.

"Oh my God" Nilingon ko ang pwesto ni Amber na tulalang nakatingin sa dalawa. Kulang na lang tumulo ang laway nito sa klase ng titig na ipinapakita niya sa kambal. She's embarrassing. Napangiwi ako dahil sa nakita. I'll just pretend that I don't know her.

"You guys are fast" Ibinalik ko ang tingin sa dalawang lalaki na nag lalakad papalapit sa pwesto ko.

"Your fast too. That was a smooth Drive" Stephen complimented me.

Ngumiti naman ako dahil duon. I know.

"Thanks. Maliit na bagay. But Spencer is on another level" Sabi ko. Sumangayon naman ang dalawa sa sinabi ko.

Tinaasan ko ng kilay ang dalawa na nakangiti at nakatingin sa akin.

"Gusto niyo ba ako?" Walang halong pag yayabang na tanong ko sa dalawa. Wala pang isang minuto na agad tumango si Steven at Stephen.

"Very. The very first time we saw you. Right Steven?"

"Yeah"

"But I'm your Brother's Wife" I said with a fact voice.

"It's okay. Hindi kanaman namin aagawin kay Kuya. He's scary and your his property. So very off limits. If you weren't his wife then we'd like you to be ours" Stephen said and shrugged his shoulders.

Napangiwi ako sa narinig. Ours? Sakanilang pareho? That's odd. I mean weird.

"You guys share woman?" I ask.

"What's mine is His. What's His is mine as well" Steven said.

"You guys are weird" Napapailing na sabi ko. Ngumisi lang ang dalawa sa akin.

"Pupunta kayo ng Dean's Office? You guys know where it is?" I ask.

"We actually don't know where. Can you take us there?" Nakangiting sabi ni Steven. Gwapo pala ang isang ito pag ngumingiti Eh.

"Ahm Xeiara" Duon ko lang napansin na naruon padin pala si Amber.

Napangiwi ako ng makita itong parang kitikiti na hindi mapakali sa kinakatayuan habang patingin tingin sa dalawa.

Ako yung tinawag pero na kay Stephen nakatingin? This bitch is obvious and I have a bad feeling about this.

"H-hi I'm Amber. Xeiara's Sister" She shyly smile at them. Ibinalik ko naman ang atensyon sa dalawa at agad akong nag taka ng pareho itong seryuso lalo na si Stephen. It's seems that they're not interested. Pinigilan ko naman ang hindi matawa sa nakita.

"She's your sister?" Stephen Ask.

"Yeah. she's my dad's daughter in his new Wife" Mahina ang boses na sabi ko.

"Not blood related?" Steven ask this time.

"No" Tipid kung sabi.

"Xeiara. Who are they ba? They're so gwapo huh" Kinikilig nitong sabi at may pakagat pa ng labi. Nakangiwi ako lalo dahil sa ginawa nito.

Hindi siya nakakaakit tignan dahil nag mumukha siyang tanga sa ginagawa niya. Like I said she's a trying hard bitch.

"They're off limits. C'mon you two" Agad akong tumalikod at diko na pinansin ang pag tawag sa akin ni Amber.

Tumabi naman sa pag lalakad sa akin ang dalawa sa hallway kaya napapatingin sa amin ang Ibang studyante na nag kakalat sa Academy.

"Si Miss Xeiara oh ganda talaga niya"

"Sino yung mga kasama niya?"

"Oh my ang gagwapo!!!"

"Mga kapatid niya siguro"

"Para silang artista"

"Hello Miss Xeiara"

"Morning Xeiara"

"Ang ganda mo sa umaga Miss Xeiara"

I smiled at the students who greeted me and give them my angelic kind of smile and they're face redden after that.

"Someone's famous" Steven smirk.

"That's the first time I saw you smile like that. That was a charming smile you've got there. Marami kana sigurong napaibig na lalaki" Stephen said.

"I don't know what's your saying" Nakangiting sabi ko at nag patuloy sa pag lalakad. Sumunod naman sa akin ang Dalawa.

Nang makarating kami sa destinasiyon namin ay kumatok ako ng tatlong beses sa Office ng dean at dahan-dahan iyun binuksan. Mukha ni Mama ang nakita ko at agad itong nag angat ng tingin sa akin. Napahilot ito ng sentido ng makita kung sino ang mga kasama ko.

"Morning Ma" I greeted her.

"Morning Too"

"Hello Mommy" Nakangising sabi ng dalawa sa likod ko. Nag pakawala ng buntong hininga si mama at senenyasan kaming pumasok.

"May klase pako Ma. Hinatid ko lang sila rito" I said.

"Hinatid?" Nag tatakang tanong ni Mama.

"Ahm Yes?" Nag tatakang sabi ko.

"They said they don't know kung saan ang daan papunta rito kaya nag pasama sila sakin" Agad namang dumako ang tingin ni mama sa dalawa na nakangisi lang at nag lakad papunta sa mesa.

"Really you two?" Salubong ang kilay na sabi ni Mama sa dalawa.

"Well" Malawak ang ngiting sabi ni Stephen. Ngumiti lang si Steven at napatingin sila sakin ng mag salita ako.

"Una naku" Matamis ang ngiting sabi ko.

"Ingat ka Hija" Tumango ako rito at sinara ang pinto bago umalis.

Habang nag lalakad sa hallway ay may napansin ako sa may field ng Academy. She's talking with the players of the soccer team. Her smiles never fades while talking at them and I admit that she's really pretty.

Hindi ko inalis ang tingin ko rito ng nilingon ako nito at malawak na ngumiti sa akin. I don't like her, there's something about her that I really don't like. Her presence shouts danger.

Stacy Ty. The Leader of the Cheering Squad. And she's a flirt just like her Sister Abby. But Stacy is more dangerous. Her smile says something that I should know and I need to avoid her.

She keep on staring at me and her smile never fades on her face. I didn't smile back at her and leave the place without saying anything. I know there's something about her that I should know. And looks can be deceiving I need to stay on guard
around her. She can't be trusted.

Dumeretsu ako ng locker room para kunin ang uniform ko. It's a white shirt with gold linings and the initials of the school is printed on the right chest. Below is black short so you can move easily.

Mabilis akong nag palit ng damit at itinali ko ang buhok ko into a messy bun. Nginitian ko ang ibang kaklase ko ng pumasok ang mga ito at tila nagulat pa ng makita ako at natulala. Mag kaiba ang locker room ng babae at lalaki.

Nag lakad ako palabas duon at naunang pumunta ng gym. Sinalubong ako ni Pat na malawak ang ngiti at agad dumikit sa akin.

"Xeiara I miss you. Ilang araw akong naging absent. Sila Mommy kasi eh" Pag mamaktol nito sa tabi ko. Napangiti naman ako.

Her name is Patricia and I preferred calling her Pat. Masiyadong mahaba ang pangalan niya kaya Pat nalang. She's my best friend and she know the real me. Imbes na matakot after knowing my real attitude she became my fan and my friend after.

"We're playing volleyball. I don't know anything about this game. Do you know?" She ask me. I just shrug my shoulders while looking to the person who just entered.

Stacy.

She's smiling to everyone and her smile widen when our eyes meet.

"Bat siya nakatingin sayo? Tomboy siguro noh?" Bulong ni Pat sa akin. Hindi ko naman siya sinagot at hindi inalis ang tingin rito. Ito na mismo ang nag alis ng tingin nito sa akin at kumaway ulit sa ibang studyante na nasa bench at nanonood sa magaganap na laro.

"She's very flexible. I wish I can twist my body like hers as if she doesn't have any bones in her body" Nakangusong sabi ni Pat habang nakatingin rin kay Stacy.

Stacy is one of the famous student in our Academy. Not just because of her beauty but because of her talents as well. She's the leader of the Cheering squad, She's very sporty as well and everyone likes her.

Dati ko pa napapansin ang mga nakaw nitong tingin sa akin na hindi ko pinag tutuonan ng pansin. Unlike her sister Abby, Stacy is not a bully. But lately kahit hindi ko ito tinatapunan ng tingin alam kung nakatingin ito palagi sa akin.

As if she's observing every move I make.

Dumating ang instructor namin at binigyan kami ng instructions para sa laro namin. Tahimik lang akong nakikinig and I can feel her stares again but I didn't give her any attention.

So it's 6 versus 6.

Nasa kabilang net sina Stacy and she keep on looking at me.

"She's creepy Xeiara" Nakangusong bulong sakin ni Pat. Hindi ko naman ito sinagot at nakatingin lang din kay Stacy na ngumiti lang sa akin.

"GO XEIARA!!"

"Ang Ganda mo Araw-araw!!"

"GO GO GO GO!!"

"Whoa kaya mo Yan Miss Xeiara!"

"I Love You Xeiara!!!"

"Nakakainlove talaga ngiti mo Miss Stacy!!"

"Go Stacy!!!"

"Kyahhhhhhhhh!!!"

Kanya kanyang sigaw ang maririnig sa loob ng gym mula sa mga studyanteng nanonood sa laro namin. Kahit yung ibang dumadaan lang sa labas ay nakisali din sa pag sigaw.

"Wala manlang sumigaw para sakin" Pat pouted her lips.

"Go pat!" I playfully cheered my friend. Pat pouted even more.

"Xeiara!!"

"XEIARA!!! XEIARA!!!"

"Pakasalan moko Miss Xeiara!!"

Pinigilan ko ang sariling hindi mapangiwi sa narinig kung iyun. Sorry boy I'm already married.

I smile to everyone and shly wave at them at nakakabinging sigaw ang narinig ko sa loob ng Gym dahil duon.

"Grabe kana talaga Xeiara ang dami mong Fan" Humahangang sabi ni Pat sa tabi ko. Ngumiti lang ako rito at ibinalik ang tingin sa Court.

Stacy smiled widely at me when our eyes meet. I just smile at her slightly. Smiling to her is not that bad at all.

Nag lakad kami sa gitna ng net kaya mag kaharap na kami ni Stacy. We shake our hands before starting the game. Natapos na ang iba mag kamayan pero hindi padin binibitawan ni Stacy ang kamay ko na ipinagtaka ko. Hindi naman mahigpit yun kung tutuusin at malambot ang kamay niya.

"Let's enjoy the game Xeiara" She said.

"I know you'll win. Your good at these game after all" I said.

"Don't flatter me so much" Nakangiting sabi nito. I just slightly smile at her.

Akmang babawiin ko na ang kamay rito ng biglang humigpit iyun kaya napatingin ulit ako sa mukha niya.

"Blood will scatter in the middle of the ring with gunshots in her body" Mahinang usal nito at kami lang ang makakarinig nun.

Masiyadong maingay sa loob ng Gym pero dinig na dinig ko ang bawat salitang binitawan nito. Hindi ako nag salita at nag sukatan kami ng tingin walang bumitaw hanggang lumapit ang Instructor namin tila nag tataka.

"Stacy, Xeiara you guys okay?" Nilingon naman ito ni Stacy at malawak na ngumiti sa instructor namin bago binitawan ang kamay ko.

"Masiyadong malambot ang kamay ni Xeiara Sir kaya hirap bitawan" Nakangising sabi nito.

"Should we start?" He ask us confused.

"Sure Sir" I said.

Patalikod akong nag lakad habang hindi inaalis kay Stacy ang tingin ko. She did the same. She's smiling while looking at me.

"Give me the Ball" I said to Pat. Nag tataka man ito sa ikinikilos ko ay ibinigay padin sa akin ang bola.

*PRRRRRRRIIIIIITTTTTTTTTTTTT*

Hinagis ko pataas ng konti ang bola and slightly jump before hitting the ball as hard as I can.

Malakas na sigawan ang narinig ko mula sa loob ng walang sumalobong duon sa bola at pasok pa. Sa lakas ng pag kakatira ko pasa ang makukuha ng kung sino mang sasalubong nun.

"KYAHHHHHHHH!!!"

"ANG GALING MO TALAGA MISS XEIAAARA!!! ANG GANDA MO PA SUBRA!!!"

"XEIARA!!! XEIARA!!! XEIARA!!!"

"I LOVE YOU XEIARA!!!"

"GO XEIARA!!!"

Now it's my turn again dahil pasok yung bola at score pa namin. I slightly throw it up to the air ang jump before hitting the Ball. Napaluhod ang isang kasama ni Stacy but still manage to catch the ball by hitting it upwards. May tumira pang isa bago tinira yun ni Stacy ng buong lakas papunta sa gawi ni Pat.

Subrang bilis nun. Good thing I was fast enough to pull Pat towards me. She was shock and unable to move because of the sudden hit. Subrang lakas nung pag bagsak nung bola. Kahit naman saluhin ko yun hindi na ako aabot. Stacy is good at this after all.

"You okay?"

"T-thanks Xeiara. That was scary. Hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko" She gulp and even sweating already.

"It's okay. Bawi nalang tayo" Maliit ang ngiting ani ko rito.

"I'm sorry"

"It's okay" I said.

Ibinalik ko sa harap ang tingin at hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Stacy habang na sakanya na ang bola. It's her turn again.

Itinaas nito ang bola sa ere at walang pag aalinlangang pinalo niya iyun. Pasok sa net at naka score sila. Hindi nahabol ng kasama ko dahil masiyadong mabilis ang takbo ng bola.

"ANG GANDA MO STACY!!"

"GO STACY!!!"

"Parehas nila akong fan Hindi ako makapili!!"

"Galing nila kasi pareho!!"

"Go Stacy!!"

"Go Xeiara!!"

Lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Stacy dahil sa naririnig na sigawan ng mga studyante.

Nilapitan ko naman ang classmate kung nakadapa sa sahig ng subukan nitong habulin ang bola na tinira ni Stacy.

"You okay?" I ask her.

Nagulat Ito ng konti at tila nahihiyang tinanggap ang kamay kung naka abang para rito.

"T-thanks Miss Xeiara. Sorry hindi ko nahabol yung bola"

"It's okay if we'll lose. As long we enjoy it. I know your trying your best and I really appreciate that. Just enjoy the game" Walang halong plastik na sabi ko rito. Namula naman ang mukha nito at napangiti ako duon.

Now it's Stacy's turn again. Before the ball could land on the ground I fastly hit it upwards. Tinira naman iyun ni Pat Papunta sa Gawi ko at Mabilis akong tumalon at malakas na tinira. Agad humarang si Stacy sa net but I fastly jump near at the net and hit the ball at walang sumalo duon dahil masiyadong naenganyo ang mga kasama nito kakapanood samin ni Stacy.

Our score. Stacy smiled at me and I do the same.

Bumalik naman ako sa pwesto ko at ako ang mag serve ng bola. I hit the ball as best as I can at nasalo yun ng kakampi nila Stacy. Tumaas iyun sa ere at tumalon naman si Stacy at malakas na tinira papunta sa gawi ko.

Hinanda ko ang kamay ko at sinalo ang bola kaya umangat yun sa Ere. Tumakbo si Thea at tinira ang bola para hindi bumagsak. Tumakbo ako at tumalon sa Ere at malakas na pinalo ang bola papunta sakanila. Rinig na rinig sa Gym ang pag bagsak nito sa sahig sa pwesto nila Stacy.

Nag sigawan ang mga Studyante at todo sigaw sa pangalan ko. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Stacy na nakangiti sakin. But I wasn't smiling back at her.

"ANG GALING MO TALAGA MISS XEIARA!!"

"XEIARA!!! XEIARA!!! XEIARA!!!!"

"GO XEIARA!!!"

"That was a good spike Miss Xeiara" Puno ng pag hanga na sabi ni Ella. Ngumiti lang ako rito at ibinalik sa harap ang tingin.

"Wag mo masiyadong galingan Xeiara baka lalong dumami Fans mo" Pat tease me. Mahina lang akong natawa rito.

The game continued and the game become more serious. Nawala na ang ngiti sa mukha ni Stacy habang nag lalaro and she didn't leave her eyes on me.

Lahat pawisan at habol ang hininga. But not me who's standing straight and looking back at Stacy who never remove her eyes on me.

Natapos ang laro na hindi nito inalis ang tingin sa akin bago lumapit sa gitna ng court para mag kamayan ulit.

"That was a powerful Spike there Xeiara. You amaze me. This is the first time that I lose" Walang humpay na kakangiti nito sa akin.

Can't she stop smiling? She's creeping me out.

"I guess luck is on my side this time" Nakangiting sabi ko.

"Congrats"

"It's just a game. Not a championship" Sabi ko. She just shrug her shoulders and smile again.

Umalis ito sa harap ko at sinundan ko ito ng tingin. Nawala lang ang tingin ko rito ng marinig ko ang boses ni Pat.

"Xeiara ang galing mo talaga grabe!!" Naiiyak na sabi ni Pat kaya napangiwi ako rito. Ang Oa naman ng isang ito.

"Hindi naman" Walang halong pag yayabang na sabi ko.

"Tara sa cafeteria libre kita" Sabi nito sa akin.

"Sure. Shower lang ako" I said.

"Sige kunin ko lang sa locker gamit ko"

"Sige mauna naku sayo sa shower"

Mabilis akong umalis sa harap nito at nag lakad papunta sa shower room ng mga babae. Kinawayan ko ng konti ang mga studyanteng tinatawag ang pangalan ko. They look cute.

Pag karating ko ruon ay hinubad ko ang damit ko at pumasok sa malaking shower room ng Babae. Iba ang shower room nila rito. Kung sa iba ay individual lang at isa lang pwedeng gumamit pero ang shower room ng School ay iisa lang pero subrang laki. Parang kwarto at pwedeng gumamit kahit ilan kayo. Wala namang malisiya dahil puro babae naman ang gagamit sa loob.

Natigil ako sa pag lalakad sa loob ng Shower room ng makita si Stacy na nakatalikod sakin showing me her sexy back while taking a shower.

But there's something on her body that caughts my attention. A flower tattoo with torns on her nape. Nag lakad ako papalapit rito at akmang hahawakan ang tattoo nito ng mabilis nitong nahuli ang kamay ko.

Nilingon ako nito habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Walang emosiyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Ibang iba sa Stacy na nakita ko sa court na laging nakangiti.

"Nice Tattoo" Nakangiting sabi ko at hinila pabalik ang kamay ko.

"What are you doing here?" She seriously ask me. Not minding our naked body.

We're  both girls so seeing our both naked body doesn't matter to us. I don't need to be embarrassed. I should be proud of it.

"It's a shower room" I said with a fact voice.

"Whatever you saw. Pretend you didn't see anything" She said.

Suspicious I see.....

"It's not a normal tattoo. It's shining in the dark. I noticed"

Wala akong nakuhang sagot mula rito at nakatingin lang ito sa akin. Tunog ng tubig mula sa bukas ng shower ang naririnig sa loob ng kwartong iyun habang nag susukatan kami ng tingin sa isat isa.

"We're did you get that? Parang gusto ko din mag pa tattoo ng ganyan" Nakangiting sabi ko.

She didn't answer me and say something else.

"I know your not a normal student" She said while staring straight into my eyes. Tumaas ang kilay ko sa narinig.

"Do I look abnormal to you?" I said with a thick sarcasm.

"You know what I mean" Her eyebrows furrowed.

"I don't know what you're saying" I said with a smile on my face.

Napasandal ako sa malamig na tiles ng shower room ng lumapit ito sa akin at kinorner ako ni Stacy. The smiling Stacy is long gone and she's glaring at me right now after I saw her tattoo on her nape.

"I will kill you" She threaten.

"Look at me. And tell me. Do I look scared?" Walang emosyon ang mukhang sabi ko rito.

"For now. You're not. Stop pretending to be strong Xeiara. Coz you aren't" She smirk.

"I'm shaking" I sarcastically said.

"I can kill you right now if I want it" She said.

"I like to see you try"

Nag titigan kami at walang umiwas ng tingin. Her sharp eyes stares my bore one. I'm not scared at all. Her stares are just normal to me. She knew that I'm not innocent just like the other student how they see me. Such a sharp eyes I see.

Mag kapatid nga sila ni Abby. Kumusta na kaya ang bokol nito sa noo? Gumaling na kaya? I can't help but smirk.

"A-Anong ginagawa niyo?"

Hindi namin nilingon ni Stacy si Pat na paniguradong nag tataka sa pwesto namin ngayon. Kung sino man ang makakakita sa ayos namin ngayon talagang iba ang iisipin nila samin.

Nag sukatan pa kami ni Stacy ng tingin bago ito lumayo sa akin at ngumiti na nilingon si Pat.

"I was talking something important to Xeiara" She said at nag simulang mag lakad palayo.

Nilingon ako nito ng huling beses at ngumiti ng nakakaasar bago umalis. Sinundan ko ito ng tingin hanggang makalabas ito.

Hindi naman makapaniwalang napatingin sa akin si Pat at naka awang ang bibig nito.

"Please tell me mali ang iniisip ko Xeiara!"

"Yes your wrong" Sabi ko at lumapit sa shower at binuksan iyun at nag simulang maligo.

"Thank God. That girl is crazy! She's a lesbian! I knew it! She likes you" Hestirikal na sabi ni Pat at tumabi sa akin.

"Omg tumatayo balahibo ko sa nakita Xeiara! She's pretty okay?! but the way she act earlier parang gusto ka niyang halikan"

Hindi ko naman ito pinansin dahil ang isip ko ay nanduon sa Sinabi ni Stacy nung nasa court kami. Anong ibig Sabihin niya duon?


~ END ~